Epilogue Naging malaking dagok sa pamilyang Salves ang nangyari lalo na ng malaman at makita nila ang nangyari sa dalaga. Mula sa mga pasa at sugat hanggang sa biglaang pag bagsak ng katawan ng dalaga, nagmistulan yung kalbaryo sa mag asawang Salves. "Mario ... hindi ko maintindihan bakit ang anak pa natin? Si Astrid ba ang kabayaran lahat ng mga kasalanan ko dati? Si Astrid ba?" Mangiyak ngiyak na sambit ng ginang habang nakatingin sa anak na nasa ibabaw ng kama. "Makakasama sayo kung araw araw ka iiyak, makakaya ito ng anak natin alam ko." Pagcocomfort ng lalaki sa asawa bago yakapin ang ginang na nagsisimula nanamang umiyak. Sa loob ng tatlong araw sa pananatili ng dalaga sa ospital walang ginawa ang ginang kung hindi sisihin ang sarili at umiyak dahil sa nangyari ng anak. -- "Gi

