Isang malaking pagsubok kay Telly ang nangyari kay Samuel sa lugar na nadestinuhan nito. Halos hindi matanggap ni Telly at ng Ina ni Samuel ang nangyari rito. Hindi agad nakauwi ang Ina ni Samuel sa Maynila dahil nag-alala ito sa kalagayan ni Telly nang makita nitong halos hindi ito tumitigil sa pag-iyak sa nangyari kina Samuel at sa pagka missing nito. "Masakit talaga, Telly. Ramdam ko iyon dahil Ina ako ni Samuel. Alam kong pareho tayo ng naramdaman ngayon, pero pakiusap, kumalma ka, iisipin mo ang anak niyo at ang sarili mo baka mabinat ka. Paano nalang si Baby Jairo kung mabinat ka? kawawa naman ang apo ko." Ang sabi ng Ina ni Samuel na kahit poot na poot pa ang naramdaman ay nilabanan nito ang emosyon. " Hindi ko kayang tanggapin, Mommy kung tuloyang mawala si Samuel sa amin n

