" No, hindi ako lasing. But yes, nakainom lang ako. Gusto kitang halikan ngayon, Telly. Gusto kong malasahan ang mga halik mo ngayon." Sabi nito sa kanya na ikinabigla naman niya. Hindi naman siguro tama na hayaan niya ang asawa na basta nalang s'ya abusuhin nito na wala naman ito sa sarili. Okay sana kung bilang pagmamahal nito kaya gagawin nito iyon sa kanya! pero hindi. Parang paglaruan pa nito ang kanyang damdamin! s'ya na nga itong nasaktan at siya pa itong paglaruan! Napaatras s'ya palayo rito habang nakatingin rito. " Lumabas ka dito, Samuel! baka magising pa ang anak natin. H'wag kang gagawa ng eskandalo dito." Aniyang diniinan bawat salitang pagkakasabi niya rito at tinapangan niya ang kanyang sarili upang ipakita rito na di s'ya gano'n kadaling madala nito. " Anong mali?

