Napaatras naman siya at mas lalo s'yang nagalit kay Samuel nang makitang tila ito pa ang nainis sa kanya. "Sabi nang h'wag kang lumapit sa akin! hindi ka sensero sa muli mong panunuyo sa akin! mukhang marami ka paring mukha! sa madaling salita ay babaero ka parin! " Galit na galit niyang asik rito. "What?? bakit mo nasabi 'yan? nakita mo ba akong may ibang kalampungan, paano ko malalaman kung anong ikinagalit mo kung ayaw mong sabihin sa akin?" Nagsalpukan ang mga kilay na tanong sa kanya ni Samuel. " Ano ang ikinagalit ko? hindi mapagkatiwalaan ang pagmumukha mo! 'yan ang ikinagalit ko, kaya huwag mo nang iharap 'yang pagmumukha mo sa akin!" Aniya rito. Jusko, tama ba s'ya sa kanyang ipinakitang kasupladahan kay Samuel? "Bakit ba, Telly? ano bang problema mo ha? Oh sige, di ko

