Pagdating naman nina Telly sa kanilang probinsya ay sinamahan at iginiya naman siya ng kanyang kaibigang si Elsa. Madilim na sila dumating sa kanyang munting bahay na pinagawa. Agad nalanghap ni Telly ang malinis at malamig na hangin sa probinsyang kanyang namimiss na ng ilang taon. Iba talaga ang klima sa kanilang lugar. Parang napakasarap iyon damhin. Natuwa naman s'ya nang nasa tapat na sila ng kanyang kaibigan sa munting bahay na kanyang ipinagawa. Kahit maliit iyon pero maganda naman. Ibinigay sa kanya ng kanyang kaibigan ang susi ng kanyang maliit na bahay na pinapagawa. " Salamat best." Sabi naman niya rito. " Bukas na agad tayo magkuwentohan. Pahinga ka na lang muna." Nakangiting wika ni Elsa. Tinulongan pa s'yang magdala sa kanyang mga bagahe ng kaibigan. Hindi na niya masy

