Hindi nagsisi si Telly na muli niyang binigyan ng second chance si Samuel. Sa loob ng tatlong buwan nitong magkasama sila pagkatapos ng kontrata nito ay napatunayan nito sa kanya kung gaano s'ya nito ka-mahal sa mga ipinakita nito sa kanya. Inaalagaan talaga s'ya nito at halos di siya pinatrabaho sa loob ng bahay. Exercise nalang ang ginawa niya every morning ngayong medyo halata na ang kanyang tiyan. Sa araw-araw ay nagbibigay lakas para kay Samuel ang kanyang binuntis ngayon. Di pa nga nito nakita ang anak nila ay mahal na mahal na ito ang anak nila. Kumuha talaga ng katulong si Samuel na kapit bahay lang din nina Telly para kung sakaling aalis na si Samuel at ma edistino na naman s'ya sa ibang lugar ay may kasama na si Telly. Hindi kasi pweding wala s'yang kasama dahil buntis pa s'

