Napangangang napatitig si Telly sa binatang army na dating nanligaw at nagpapakita ng pagkakagusto sa kanya doon sa probinsya, isang taon na ang nakalipas. "B-bakit po nandito kayo? ano pong ginagawa niyo dito?" Manghang tanong n'ya rito. "Napakaliit lang ng mundo para sa ating dalawa, Telly. Step father ko ang papa niyo." Sagot nito sa kanya. Kaya muli naman s'yang nagulat sa narinig mula rito. "Kung gano'n, ikaw ang matatawag naming step brother?" Di makapaniwalang tanong n'ya rito. At napangiti naman ito agad. " Yes, ako nga. Kumusta ka na, Telly?" Sabi pa nito sa kanya na ini-abot sa kanya ang kamay nito para makipag shake hand. Sobrang lakas ang kabog ng kanyang dibdib na tiningnan ang kamay nitong makipag shake hand sa kanya. At imbis na tanggapin n'ya ang kamay nito ay

