Apektadong-apektado si Telly dahil sa gulong ginawa ni Antonette at sa harap-harapang pagmamaliit at panghuhusga nito sa kanilang inang pumanaw na. Ang sakit iyon para sa kanya dahil alam niya kung ano ang pagdurusang pinagdaanan ng kanilang Ina nang iniwan sila noon ng papa nila. Masakit sa kanyang Ina noon nang malamang may tunay palang pamilya ang kanilang ama. Dahil sa ginawa ni Antonette ngayon ay parang binuhay nito ang galit niya sa kanyang ama. Hindi na niya namalayang malayo na pala ang kanyang tinakbuhan. Naghahanap s'ya ng lugar na makapagbigay ng peace of mind sa kanya. Sa tabi naman ng malapad na kalsadang nilakbayan ay nakita n'yang may malaking puno ng acacia, doon siya huminto at naupo sa lilim ng puno. Iilang sasakyan naman ang mga dumaan at nakatingin lang sa kanya ang

