Dahil sa malalim na pag-iisip ni Armando sa kanyang mga anak sa labas ay hindi na niya namamalayan ang paglapit ng kanyang asawang si Margarita. Nagulat pa si Armando nang makitang nasa likod na n'ya ang kanyang asawa. " Oh, bakit parang nagulat ka, Arman?" Tanong pa ng asawang si Margarita sa kanya. " Ha? ahh, no darling. Wala." Sagot naman agad ni Armando sa asawa. "Parang tingin ko sa'yo ay wala ka sa sarili mo." Sabi naman nito sa kanya. "Pasensya ka na, Margarita. Pero ang totoo ay bigla ko lang naisip ang mga anak ko sa labas kung kamusta na kaya sila. Papayag ka ba Margarita, kung sakaling gusto ko silang dadalawin at makitang muli?" Sabi pa ni Armando na di naman niya napigilang sabihin sa asawa ang bigla n'yang naisipan. Nakita naman agad ni Armando na natigilan ang

