Matapos silang mag usap ng kaibigang si Elsa ay nagpaalam na ito sa kanya dahil may gagawin pa ito. Naiwan naman si Telly mag-isa. Lumabas siya sa kanyang malaking bahay at pumasok sa kabilang bahay niyang maliit. Nilinis niya doon at doon s'ya nagtatambay. Paglipas ng ilang sandali ay kinuha niya ang kanyang cellphone at tinawagan ang kanyang papa Armando. " Good morning, papa." Bati niya rito nang sinagot nito ang tawag. " Good morning iha. Tumawag sa amin si Samuel kagabi. Pinaalam niya ang tungkol sa inyong dalawa. Totoo ba?" Agad nitong tanong sa kanya. "Ang bilis namang nakatawag sainyo si Samuel, pa. Huli na pala ako." Nakangiting sabi niya sa kanyang ama. " Natutuwa kaming lahat dito anak. Pero sana ay hindi na kayo maghihiwalay pa, sayang ang mga taon na pinalipas niyo

