"Ano bang mga pinagsasabi mo, Samuel?" Nagtatakang tanong ni Telly rito. Mas lalong nagtataka naman itong napatitig sa kanya. At saka lumapit naman ang babaeng maganda ngunit may edad na. " Sino ka?" Parang kinakabahan ang tinig na tanong ng may edad na babaeng nakatingin sa kanya. "Ako ang asawa niya! ikaw sino ka ba?" Galit na sagot ni Telly sa may edad na babae. Kapwa nanlaki ang mga mata ng babaeng may edad at ang asawang si Samuel. " Pero hindi kita kilala kung sino ka at hindi Samuel ang pangalan ko. At wala akong asawa. Si honey Rosita lang ang nagisnan kong nasa tabi ko at kasintahan ko at kalive-in ko." Ang sagot ni Samuel sa kanya. Nasaktan s'ya sa narinig mula kay Samuel ngunit tinibayan niya ang sarili. " Narinig mo ba ang sinabi niya? hindi Samuel ang pangalan

