Mabigat ang talukap ng mga mata ko nang magising ako. Kaagad din akong napapikit dahil tumama ang sinag ng araw sa mukha ko, nakalimutan kong isara kagabi ang kurtina. Maayos naman ang naging tulog ko dahil hindi ako kinulit pa ni Kuya Red. Pagkatapos ng away namin sa sasakyan, halos hindi kami nag-imikan hanggang sa makapasok sa loob ng bahay. Akala ko ay doon na matatapos ang lahat, pero ang titig niya bago siya pumasok sa sarili niyang kwarto ay tila isang babala na hindi pa kami tapos. Bumangon ako at dahan-dahang lumabas ng kwarto. Nauuhaw kasi ako, kukuha na lamang ako ng tubig at babalik din kaagad. Mag-aayos na rin ako ng gamit ko. Gusto ko ng umuwi sa apartment. Ayaw ko na rito. Bukod sa andito si Tito Leo ay ayaw kong maglaro kami ng apoy ni Kuya Red dito sa mismong bahay nila

