"Ate Sage! Dito ka po sa tabi namin!" masayang sigaw ni Maya nang mapansin ang paglapit ko. Agad siyang umusod upang bigyan ako ng espasyo sa pagitan nila ni Harvey. "Salamat, Maya," pilit kong ngiti habang umuupo. Tumingin sa akin si Harvey, may kasamang malambot at nagtatanong na sulyap. "Are you okay? Medyo matagal ka sa tent." "Oo, nag-ayos lang ng ilang gamit," pagsisinungaling ko, pilit na ibinabaling ang pansin sa apoy para hindi niya mapansin ang kaunting pamumula ng mga mata ko. Ang hapdi kasi nito dahil sa pagbadya ng luha sa mga mata ko kanina.. Sa kabilang bahagi ng bilog, nakaupo naman si Leon na kasalukuyang kinakalabit ang mga kuwerdas ng kaniyang gitara, sinasabayan ang mahinang kanta ng ilang volunteers. Ngunit ang tuluyang nagpabalik ng kabog sa dibdib ko ay ang pagda

