Maaliwalas ang sikat ng araw na tumatama sa mukha ko, at sa wakas, hindi na umiikot ang kisame sa tuwing ididilat ko ang mga mata ko. Bumangon ako nang dahan-dahan. Masakit pa rin ang mga kasu-kasuan ko pero kaya ko na ang bigat ng sarili ko. Napatingin ako sa sofa. Wala na roon ang unan at kumot na ginamit ni Red kagabi. Maayos na rin ang gamit niya, tila ba sadyang nilinis ang lahat para burahin ang anumang ebidensya na nagpuyat siya para bantayan ako. Napabuntong-hininga ako. Iyong halik sa ulo noo. . . guni-guni ko lang siguro ’yun. Imposibleng gawin ng isang Red Davenport ’yun habang nasa katinuan siya. "Anong tinitingin-tingin mo riyan? Akala mo ba babalik ako sa sofa na ’yan? Manigas ka," bungad ng isang malamig na boses mula sa pinto. Nakasandal si Red sa hamba, naka-cross arm

