Hindi ko pa lubos na nae-enjoy ang panunukso kay Leon nang maramdaman ko ang isang mahigpit na hawak sa aking braso. Isang hawak na pamilyar na pamilyar sa balat ko. "We’re leaving," ang malamig at baritonong boses ni Kuya Red ang bumasag sa tawanan namin ni Leon. Nilingon ko siya nang may halong inis. Ang kaniyang mga mata ay tila nagbabaga, nagta-tangis ang mga panga niya. Ang sugat sa labi niya na gawa ko kanina ay kitang kita ko at parang mas lalo itong nagpa-panganib sa aura niya ngayon. "Anong sinasabi mong 'we're leaving', Kuya Red? Aalis na tayo nila Tita? Hindi pa tapos ang event ah." kunot noong tanong ko. "No. Tayo, Sage. Tayo ang aalis na." madiing aniya. "What?!" "Let's go." aniya sabay kuha ng kamay kong nakahawak kay Leon na hindi alam kung "Ano?! Teka!" sabi ko s

