"Kamusta kayo ni Red? Nagkasundo na ba kayo?" tanong sa akin ni Tita Jonah, ang Mama ni Kuya Red. "Nag-away daw kayo, sabi niya. Hindi mo raw siya pinapansin at hindi mo raw siya tinirihan ng agahan." natatawang pagkwe-kwento pa ni Tita sa akin.
Inilagay ko sa kabilang tianga ko ang cellphone ko at kumunot ang noo ko sa pagtataka sinabi ng ginang.
Nagsumbong talaga si Kuya Red kay Tita?! At nag-away? No. Hindi naman kami nag-away para hindi kami magkasundo ngayon. Ayaw ko lang siyang ka-usap kasi naiinis ako sa kaniya dahil sa ginawa niya kagabi!
Nag-uwi siya ng babae niya sa apartment namin at gumawa sila ng kababalaghan! For heaven's sake! Nagre-review ako habang naririnig ko ang mga ungol nila! Lalo na 'yong babae niya! Ang ingay at ang tinis tinis ng boses! Nakakainis!
Sanay naman na ako sa pagiging f-ck boy niya! Sanay na ako na may dinadala siyang mga babae sa apartment! Pero. . . ang hirap kasing masanay kapag ungol ang naririnig! At hindi naman madalas ang pag-uwi niya ng mga babae noon! Ngayon lang! At nakakainis 'yon!
"Well, you two were always bickering with each other. But this time, Red seems to be taking it seriously? Ano bang nangyari? Bakit nag-away kayo huh?" nabalik ako sa ulirat nang nagsalita si Tita sa kabilang linya.
Ang dami niyang babae, Tita. Ang ingay nila lagi tuwing gabi. Inis na napangiti ako at kinagat ko ang labi ko upang pigilan ang sarili ko na sabihin ang totoong dahilan.
"Wala po 'yon, Tita, OA lang 'yong si Kuya Red." sabi ko at nagpilit ng kunwaring tawa. "At hindi ko talaga siya tinirihan ng pagkain kasi hindi siya tumulong maghugas ng plato. Pagsabihan niyo nga po minsan, hindi nakikinig sa akin porket mas matanda siya." nakangusong pagkwe-kwento ko.
Totoo namang hindi siya tumutulong sa paghuhugas ng plato pero wala naman na sa akin 'yon, ginawa ko na lang na dahilan. Hindi ko siya tinirihan ng almusal kanina kasi sabi niya almusal daw nila ni "Jessica", 'yong babaeng kasama niya. Ayaw ko ngang kumain ng luto ko 'yon! Pangit siya!
"Segi nga at pagsasabihan ko ang batang 'yon, at kapag umuwi kayo dito sa Pangasinan ay pipingotin ko siya!"
Tumawa ako, "Kaya mo pa kaya 'yon Tita? Eh ang laking tao ni Kuya Red, hindi mo na abot ang tainga no'n!"
Rinig ko naman ang buntong hininga nito sa kabilang linya, "Hays. . . Lagi kong nakakalimutan na malalaki na pala kayo. . Graduating na si Red tapos ikaw ay 3rd year na pala." naging malungkot ang tono nito. "Lagi ko nakakalimutan dahil madalang na lang ang uwi niyo rito sa bahay."
"Naku, Tita, online naman ang ibang subject ko sa summer class namin. . . Puntahan nga kita minsan." sabi ko.
Nasa semi-final na kasi kami for 2nd semester this school year. . Ita-take ko na sa summer class 'yong ibang subject ko next school year para kaunti na lang ang aaralin ko.
"Oh siya, ipapadala ko ang allowance at tuition niyo next week. . . Mag-grocery kayo ni Red ah? Bumili kayo ng masustansiyang pagkain ah? Huwag mga process foods. . Tapos ako na bahala sa rent—"
"Naku, Tita, huwag na po. Ako na po bahala sa rent namin ngayong buwan," kaagad kong tanggi kay Tita, "huwag niyo na lang pong sabihin kay Kuya Red ah?"
"Ikaw talagang bata ka. . " alam niyang wala na siyang magagawa kaya 'yon na lang ang nasabi niya.
Napangiti naman ako, "first sahod ko 'yon, Tita, proud ka ba sa akin?"
"Oo naman!"
"I love you, Tita Jonah ko. . . " paglalambing ko.
"Mahal din kita, Sagy. . . Uwi kayo ah? Isama mo si Red, hindi na rin nauwi 'yon rito. Mas ikaw pa yata ang anak ko eh. . " malambing ang tonong sabi niya. "Dapat talaga Mama na rin ang itawag mo sa akin."
Hindi ko na alam kung anong sasabihin ko. . . Nagpaalam na lang kaagad ako sa ginang at sinabi na may susunod na klase pa ako kahit na wala naman na.
Mama?
Binihisan, pinakain, at pinatira ako ni Tita Jonah sa bahay nila. . . Pinag-aaral niya rin ako. Parang sobra naman na yata kung tawagin ko pa siyang Mama? Ang kapal na masyado ng mukha ko no'n.
Nahihiya na nga ako sa kanila, sa pamilya nila Tita dahil sila na ang gumawa ng mga bagay na dapat ang magulang ko ang gumagawa.
Labing isang taon gulang lamang ako noon nang kinuha ako ni Tita Jonah sa ampunan kung saan ako tinapon ng Ina ko. . . She claim that I was her best friend's daughter. Siya na raw ang mag-aalaga sa akin, sabi niya.
Natatawa na nga lang ako dahil buti pa ang best friend ng babaeng nagsilang sa akin ay may pakialam sa akin, samantalang ang totoong Ina ko ay wala.
Sampung taon na ang nakalipas at nasa pangangalaga pa rin ako ni Tita Jonah. I am now 21 years old, 3rd year student taking up BS in Business Administration. .
Kasama kong lumaki si Kuya Red. Noong una ay ayaw niya sa akin, pabigat daw kasi ako at dagdag gastusin. . Na para bang mahirap sila.
Pero totoo din naman ang sinabi niya. Kaya hindi na ako nagsalita pa no'ng sinasabi niya 'yan.
Magkasundo naman na kami ngayon. Pero mas madalas lang talaga ang bangayan namin. Aso't pusa nga raw kami sabi ni Tita.
Nasa iisang university nga kami nag-aaral at iisang apartment lang kami nakatira eh. Para raw mabantayan at ma-guide ako ni Kuya Red. Pero minsan, hindi pa rin nawawala 'yong mga masasakit na salita na binibitiwan niya laban sa akin kaya naghanap ako ng part time job. Iwas sumbat gano'n. Hindi niya alam. . . Ayaw kong sabihin. At naiinis pa rin ako sa kaniya!
Nabalik ako sa reyalidad nang tumunog ang cellphone ko, it was from Kuya Red.
From Manok na Pula :
Sage, sa apartment session namin mamaya ng banda.
Napa-irap na lamang ako sa hangin. Pakialam ko. Wala naman akong magagawa. Simula no'ng first year college ako hanggang ngayon, wala namang pakialam si Kuya Red sa opinion ko. Parang tenext niya lang ako para sabihin, hindi para magpaalam.
Ayos lang naman, gagabihin naman ako ng uwi dahil sa trabaho ko. Mag-iisang buwan na akong janitress sa isang coffee shop malapit lang sa school. 6 pm hanggang 10 ang shift ko. Magre-review na lamang 'pag-uwi ko. Sana. . . Sana tapos na 'yong session nila kapag nakauwi na ako roon. Sana. . Sana talaga wala na sila roon. At sana, walang babae si Kuya Red.
"Elizalde!" napalingon ako sa taong tumawag ng apelyido ko. It was Leon, my classmates and my groupmates. "Iyong parts ko sa activity natin. . . Pwede bukas ko na lang ibigay?" sabi niya, hinihingal pa siya dahil mukhang hinabol pa niya ako. Palabas na kasi ako ng school.
"Ng maaga?" tanong ko.
"Oo, promise! Maaga ko ibibigay! Hindi ko lang nagawa kasi may work ako, napuyat ako tapos—"
"Okay. No need to explain. Just make sure you'll send it to me early in the morning so I can comply our works and pass it on time." paliwanag ko.
Nagliwanag naman ang mukha niya at napangiti ng malawak! "Oo, oo! Salamat ah? Swerte ko sayo!"
Ngumiti lang din ako at tumango. He's a working student too, like me, so I understand him. Giving him a consideration won't hurt me.
"Saan ka pala pupunta, Elizalde? Pwede kitang isabay kung hindi out of the way." sabi niya.
Napatingin naman ako sa oras, alas singko na ng hapon, mag-aalas sais na rin.
"Sa Kapiko, hindi ba out of the way?"
"Sakto, doon 'yong isang part time job na napasukan ko! Anong gagawin mo ro'n? Magkakape ka?" tanong niya.
"No, I'm working there too."
"Anong work? Nakuha ako as barista at janitor ro'n eh." kwento niya. "Tara, naroon 'yong motor ko." sabi niya at wala akong nagawa nang hawakan niya ang pala-pulsuhan ko para hilain papunta sa parking area.
Napatingin ako sa lalaking masama kung makatingin sa amin ngayon. Nakatayo siya kasama ang ka-banda niya, malapit lang din kasi sa pwesto ng motor ni Leon sa kotse nila. Inirapan ko lang siya.
"Ano pa lang trabaho mo ro'n?"
"Janitress."
"Eh?!" gulat na napatingin siya sa akin, "akala ko mayaman ka?" tanong niya.
Natawa naman ako, "mayaman? Paano mo naman nasabi?"
"Wala, mukha ka kasing mayaman tapos nakatira ka pa sa high end na apartment. . . Tapos lagi kang nakasakay sa kotse." sabi niya, nagulat ako nang siya na mismo ang nag-lagay ng helmet sa ulo ko. .
"Ah, wala 'yon, social climber kasi ako." sabi ko na lang.
Unang patakaran ni Kuya Red, huwag akong magkwento sa tungkol sa set up namin sa ibang tao, sa pag-ampon sa akin ng Mama niya at sa pagtira namin sa iisang apartment. Hayaan ko lang daw na sila mismo ang makaalam.
Natawa naman siya sa sinabi ko at sumakay na kami sa motor niya.
"Kapit ka," iyon ang huli kong narinig at ginawa ko naman dahil natakot ako nang pina-andar na niya ang kotse niya.
Tama lang ang dating namin sa Kapiko, pareho lang kami ng oras ng shift. . .
"Hatid na kita sa inyo?" iyan uli ang alok niya nang pareho na rin kaming uuwi.
"Hindi ka ba naaabala? May ibang trabaho ka pa yata." sabi ko naman habang inaayos ang gamit ko.
"Ngayon lang 'to, alam mo na. . tungkol sa activity na hindi ko nabigay sayo kanina." kibit balikat na paliwanag niya.
Natawa kaming pareho. Pumayag na lang ako. Tatanggi ba ako sa pagmamagandang loob niya? Hindi, syempre.
"Mag-iingat ka ah? Gagawin mo pa 'yong parts mo!" paalala ko sa lalaki nang nahatid na niya ako. Nasa tapat na ako ng apartment.
"Yes, ma'am." and then, bumusina pa siya ng dalawang beses bago siya tuluyang umalis.
Bumuntong hininga naman ako nang mawala na siya sa paningin ko. Napapikit ako dahil mula rito sa labas ay naririnig ko na ang ingay mula sa loob ng apartment namin.
Blue house ang tawag nila rito sa apartment. High end daw 'to dahil mahal. . . Dalawang magkatabi ang apartment dito sa village lang din ang may-ari. At 'yong may-ari? Kaibigan din lang nila Tita Jonah at kaibigan ni Red ang anak nila, kabilang din sa banda nila na 'Seductive Boys'. Kaya kahit mag-ingay sila tuwing session nila ay wala magrereklamo.
Ako lang.
Napahinto silang lahat sa ginagawa nila, sa kwentuhan nila nang binuksan ko ang pinto. Napalingon silang lahat sa akin. Sa sala talaga sila. At 'yong session nila, inuman. Akala ko naman practice lang gano'n.
"Oh, who's she?" tanong ng isa.
"Gagi, si Sage 'yan." sagot naman ni Kuya Maru. Siya 'yong sinasabi kong anak ng may-ari ng village. Basically, kasama rin namin siyang lumaki.
"What? I thought Sage was a man." sabi naman no'ng isa.
"Will, surprised? I'm not." tamad na sabi ko at pumasok na. Hindi na ako nagulat na hindi nila alam na babae ako. Siguro kilala nila ako sa pangalan ko na Sage, 'yon lang. Mukhang mga bago silang myembro ng banda. Hindi ko rin naman sila kilala.
Lima lang sila sa banda noon eh, ngayon pito na. Pito na silang mag-iingay rito tuwing session nila. Nakakainis.
"She's pretty huh." sabi no'ng naunang nagsalita kanina. "Kapatid mo, Red? Hindi mo nakwento."
"F-ck off, Cris." gagad ni Kuya Red. Kaagad namang tinikom ng lalaking tinawag niyang Cris ang bibig niya. "And you, Sage? Pasok na sa kwarto mo." utos nito sa akin.
"Hindi mo ako aayain?" tanong ko at inilapag ang gamit ko sa bakanteng sofa at naupo roon.
"Sage."
"Mag-iingay din naman kayo eh, hindi rin naman ako makakapag-review ng maayos. Hindi rin ako makakatulog kaagad. . . Painomin niyo na lang ako. 'Di ba, Kuya Maru?" baling ko naman sa lalaki na kaagad namang tumango at bibigyan na sana niya ako ng isang tagay ng alak pero masamang tinignan siya ni Kuya Red.
"No." of course, alam kong 'no' ang sagot niya. Hindi naman ito ang unang beses na sinabi ko 'yon sa harapan niya at sa harapan mismo ng ka-banda niya.
"Madamot. Maingay. Bwesit." bulong ko habang tumatayo at kinukuha ang gamit ko.
"You know that I can hear you, Sage." sabi nito. "Pumunta ka na sa room mo kung ayaw mong i-sumbong kita kay Mama na nakikipag-date ka keysa mag-aral." may pagbabanta sa boses nito.
"What the f-ck? Anong date naman ang sinasabi mo riyan!" hindi mapigilan ang inis na sabi ko.
"Alam mo naman na nakita kita kanina, hindi ba? Nakangiti ka at nakikipagtawanan sa lalaki mo. At talagang sa kapehan pa na Kapiko kayo ng date?" natawa siya, naiinis na tumawa siya. "Ano? Magkakagusto ka na nga, sa naka-motor pa at makikipaglandian ka na nga, sa ipupunta ka lang sa cheap na kapehan? Huwag ka namang ta-nga." mayabang ang tonong sabi niya.
Kaagad na nag-init ang dalawang sulok ng mata ko dahil sa mabibigat na paratang niya sa akin.
"Edi i-sumbong mo ako! Sasabihin ko rin na nagdadala ka ng iba't ibang babae rito sa apartment at nakikipag-s-x habang nagre-review ako!" inis na pasaring ko.
Natawa naman ang ibang kasama namin pero kaagad silang natigil dahil masamang tingin ang ginawad sa kanila ni Kuya Red.
"At hindi ako nakikipag-date! F-ck you! You f-cking airhead ass-hole!" halos mapiyok na sigaw ko dahil naiiyak na ako. Padabog kong kinuha ang gamit ko. At binalagbag ko pasara ang pinto ng kwarto ko.