Chapter 4 Dinner Date

2000 Words
Carmelita * * " Vaughn! Iyak mo lang yan pagkatapos mo umiyak gagaan ang pakiramdam mo. Madame pa naman babae Sa susunod maghanap ka ng babaeng maganda para naman kahit lokohin ka Sulit dahil maganda ang nangloko sayo Huwag lang sa pangit na nga manloloko pa." Mahinahon na wika ko inabot ko ang tissue kay Vaughn " Baliw kaba? Lakas ng saltik mo ah! Ako ang nakipag hiwalay bakit naman ako iiyak? Hindi ko naman Mahal ang babaeng yon! Wife material lang siya kaya balak ko sana Asawahin." Naiiling na wika ni Vaughn " Ah may saltik ka pala Bakit ka mag-asawa ng hindi mo naman pala mahal. Alam mo libre naman maging tanga hu--- Hindi ko natapos ang sasabihin ko tinakpan ni Vaughn ang bibig ko gamit ang kamay niya " Isang pagkakamali sa sasabihin mo ibibitin kita ng patiwarik." Pagbabanta ni Vaughn " Tsk! Kahit gaano kayaman ang tao hindi talaga na bibili ang talino. Mayaman tanga naman! Dapat kasi Imbistigahan muna ang tao nakapaligid sayo bago mo Pagkatiwalaan. Sarili ngang Kadugo nagtraidor pa ibang tao pa kaya." Naiinis na wika ko Naglakad ako palabas ng bahay " Talaga naman! Hoy saan ka naman pupunta? Samahan mo ako iikotin natin ang Hacienda Flight ko bukas Matatagalan bago ako makabalik ng pinas." pasigaw na wika ni Vaughn Natigilan ako agad na Humarap kay Vaughn ng nakangiti " Kung Aalis sya malaya ako makagala. Mapupuntahan ko si Chris at pwede ako magpalipas ng gabi sa bahay ni Chris. Ayus! Bantay sarado kasi ako ni Vaughn ayaw ako payagan gumala. Menor de edad pa daw ako." Piping sambit ko " Umayos ka Lita! Huwag kang gagawa ng kalokohan. Alalahanin mo sinama kita dito dahil naawa ako sayo. Gusto ko kahit paano mabago ang Buhay mo. Mag-aral kang mabuti." Seryoso na wika ni Vaughn " Huwag kang mag-alala nakalista lahat ng Gastos mo saakin. Kahit piso nilista ko para alam ko kung magkano babayaran ko sayo balang araw. Mag-aaral akong mabuti! Nakaka pag extra naman ako ng Trabaho sa farm mo kaya kahit paano may pera ako kahit huwag mo na ako bigyan ng allowance." Seryoso na tugon ko " Wala naman akong pinagkakaguastusan dahil binata ako. Kaya mag deposit parin ako ng Allowance mo sa Account mo. Mag-aral kang mabuti Hindi pang habang buhay ang pagtulong ko sayo. Darating ang araw bubuo din ako ng sariling pamilya kaya kailangan mo din tumayo sa sarili mong paa." Seryoso na wika ni Vaughn Habang naglalakad kami papunta sa Kwarda ng kabayo nag-uusap kami. " Baka mahulog ako." Wika ko habang nakatingala kay Vaughn nakasakay sa ibabaw ng paborito niyang kabayo Yumuko siya hinawakan ang kamay ko hinila ako hanggang sa makasakay ako sa Unahan ng Kabayo. " Hehe! Galing." Masaya na wika ko Naglakad ang kabayo palabas ng Kwarda hanggang sa tumakbo. Naninigas ang buong katawan ko pakiramdam ko ano mang oras malalaglag ako " Relax! Hindi ka malalaglag. " Natatawa na wika ni Vaughn Patuloy ang pagtakbo ng kabayo Unti-unting nawawala ang takot ko. Sumikay ang ngiti sa aking labi napakagandang tanawin. Nakahilira na puno ng mangga may iba't ibang puno na namumunga. May taniman ng mais at kamoteng bangin. may iba't ibang gulay. " Imported ang kamote na yan galing pang ibang bansa yan, Pagkatapos anihin ang mais papalitan ng seedless watermelon. May Local grapes din na itatanim sa susunod na buwan. " Nakangiti na wika ni Vaughn Napangiti ako pinanood ko ang mga tao na abala sa iba't ibang gawain. Maraming tao ang araw-araw na pumupunta dito sa Hacienda para magtrabaho. Madalas maging Trabaho ko tumulong sa pagtatanim ng gulay. Muling pinatakbo ni Vaughn ang kabayo hanggang sa makarating kami sa dulo ng Hacienda may mga puno ng niyog at maliit na bahay " Wala na masyado pupunta dito. Pero ito ang Tambayan ko Solar ang kuryente dito may isang kwarto at kusina banyo, Normal na bahay maliit kasya lang ang isang tao. " Nakangiti na wika ni Vaughn Bumaba siya sa kabayo inalalayan ako pababa. Nakangiti na tumakbo ako sa sapa na nasipat ko " May bukal kasi sa Unahan kaya may sapa diyan. May Isda d'yan pwede kang maligo at kung gusto mo ng inumin doon ka mismo sa Unahan kumuha ng tubig. " Nakangiti na sigaw ni Vaughn Hinubad ko ang Tsinelas ko dahan-dahan ko niloblob ang kaliwang paa ko sa tubig napatili ako ang lamig ng tubig. " Ang lamig." namamangha na wika ko Para akong batang paslit na naglaro sa ilog. Hindi ko namalayan ang oras basang-basa na ako nilalaro ko ang mga bato sinusubukan ko manghuli ng maliliit na Isda " Lita maligo kana may pinakuha ako na damit mo nandoon sa Sofa nakapatong. " pasigaw na utos ni Vaughn " Sandali lang naglalaro pa ako." Pasigaw na tugon ko Dahan-dahan ako sa paghakbang dahan-dahan din ako Yumuko dahan-dahan ko binaba ang magkabilang kamay ko nilubog ko sa tubig " Lita! Tanghali na nagugutom na ako. Maligo kana para makakain na tayo." Mahinahon na utos ni Vaughn Biglang nalang lumangoy palayo ang maliit na Isda naiinis na tumingin ako kay Vaughn " Mahuhuli ko na dapat yon eh." Galit na wika ko " Hahaha! She's a kid! " natatawa na wika nito Naiinis na Sinabuyan ko siya ng tubig gamit ang palad ko. Mabilis naman siya umilag " Bilisan mo na." Naiiling na utos ni Vaughn " Tsk! Panira ka ng Happiness." Inis na tugon ko " Hahaha." Tawa ni Vaughn Naglakad ako papunta sa bahay pagpasok ko napangiti ako maliit na living room kaunting lakad lang kitchen na agad. May banyo sa kitchen at may kwarto din. ". Tamang-tama ang bahay na to saakin. " Piping sambit ko Pagkatapos maligo sabay kami kumain ni Vaughn Pagkatapos kumain tumambay kami sa labas ng bahay may upuan at may table sa labas ng bahay naupo kami doon habang hinihigop ng kape " Bakit ka pupunta ng ibang bansa?" Tanong ko " May Trabaho ako! Madalas iba't ibang lugar ako mapupunta depende sa Trabaho ko. Madalang lang ako kung Umuwi dito. Madalas sa bahay ng mga magulang ko ako nauwi. Minsan dito sila sa pinas pero madalas sa ibang bansa. May business at bahay sa ibang bansa ang parents ko." Mahabang paliwanag niya " Vaughn pwede ba Minsan dito ako sa bahay mamalagi? Mas gusto ko sa ganitong lugar tahimik. " Seryoso na wika ko " Baka mamaya may masamang loob na pumunta dito gawan kang masama." Nag-aalala na tugon ni Vaughn " Marunong ako makipag suntukan at huwag kang mag-aalala diba may Gate at bakud naman paikot ang hacienda kaya wala naman makakapasok dito na ibang tao." Pakiusap ko " Sige na nga! Mas ligtas ka dito kaysa gumala ka sa labas. Maglock ka ng pinto pagmatutulog ka sa gabi." Napipilitan na tugon ni Vaughn Nagkwentohan pa kami kung ano-ano lang ang napag usapan namin. " Pwede ako magtanim ng halaman dito? Tapos paputol ko ang mga malapit na puno ng niyog para naman hindi ako nalaglagan ng bunga. " Nakangiti na Paalam ko kay Vaughn " Sige! Basta magpapaalam ka kay Nanay Amparo kung Mananatili ka dito Para hindi sila mag-aalala." Mahinahon na tugon ni Vaughn Tumayo siya ni Lock ang pinto ng bahay naglakad kami palapit sa kinaroroonan ng kabayo. Habang sakay ng kabayo napapansin ko ang pasemple na pag-amoy ni Vaughn sa Buhok ko. " Huwag kang makikipag boyfriend bata kapa." Biglang Sabi niya habang naglalakad ang kabayo pauwi sa bahay " Huh! Wala akong plano mag Boyfriend hindi ko rin naisip na mag-asawa balang araw. Sapat na saakin ang makasama si Chris. " Tugon ko " Chris na naman! Sino ba sya?" naiinis na tanong ni Vaughn " Papa ko! Si Chris ang Papa ko. " Tugon ko " Ow! Si Chris pala ang Papa mo akala ko kasintahan mo." Tugon ni Vaughn " Umiikot lang ang buhay ko kay Chris wala siyang inisip kundi ang mapabuti ang kalagayan ko. Kaya pagtapos ko mag-aral magtrabaho ako at bibilhan ko siya ng sariling bahay at kotse. " Nakangiti na wika ko " Bakit Nasaan ngayon ang Papa mo?" Tanong ni Vaughn " Hindi ko alam kung nasaan ngayon, Simula ng mapunta ako sa kotse mo hindi na kami nagkita. " Pagsisinungaling ko " Gusto mo bang pahanap ko?" Tanong ni Vaughn " Huwag na! Alam naman ni Papa kung saan ako hahanapin. " Nakangiti na tugon ko " Sige ikaw bahala." Tugon ni Vaughn " Diba nag-usap tayo dati, Walang pakialaman sa personal na buhay. Tulad mo kahit na nasa panganib lagi ang buhay mo. Nang nakaraan lang umuwi ka ng may Sugat sa balikat. Hindi ako nagtanong dahil may sariling Buhay karapatan mo ilihim ang ano nang ginagawa mo sa iyong Buhay." mahabang wika ko " Grabe kanina lang naglalaro ka sa ilog ngayon nagsasalita ka na Parang matanda na. Dibali na nga! Hindi na ako makikialam sa personal na buhay mo." Wika ni Vaughn " Pagtapos ko ng College aalis agad ako sa poder mo. Pero hindi ako mawawala ng tuloyan, Pag may oras ako babalikan ako dito sa Maliit na bahay ako pupunta. " nakangiti na wika ko " Walang problema malaya kang umalis kilan mo gustohin basta magpaalam ka ng maayos. " Tugon ni Vaughn " Ihahatid kaba namin mamaya ni mang Benigno?" Tanong ko " May pasok kapa bukas! Dinner nalang tayo sa labas madaling araw pa naman alis ko. " Tugon ni Vaughn " Homer Ikaw na ang bahala kay Toby. " Utos ni Vaughn kay Homer Inalalayan ako pababa ni Vaughn nakangiti na nagpasalamat ako Tumakbo ako pauwi sa bahay " Manang! May bahay na ako! Binigay saakin ni Vaughn ang bahay sa dulo. Doon ako matutulog pag walang pasok. " Pasigaw na wika ko " Diyos ko! Tong batang to makasigaw wagas.." wika ni Manang Amparo " Naku nakakatakot doon Lita." Sabat ni Isadora " Hindi ako takot! Hehe mas nakakatakot mas Nasasabik ako. " Nakangiti na Tugon ko Nakipag kwentohan ako mga kasama ko sa bahay tinulongan ko si Julie magligpit ng mga nilabhan " Julie! Maganda ka bakit pangit ng Asawa mo?" Tanong ko habang pababa kami ng hagdan " Siraulo ka! Hindi naman sa itchura ang tinitingnan sa isang tao. Ang kabutihan ng loob at kung paano ka niya alagaan at pasayahin Mabait ang Asawa ko." Naiinis na Paliwanag ni Julie " Ako kung mag Boyfriend ako balang araw maghahanap na ako ng Gwapo at macho! Kung Masaktan ako at Iwanan okay lang at least gwapo ang iniyakan ko. Kaysa naman lokohin ako ng pangit nakakahiya yon." Wika ko " Hahaha! Siraulo." Natatawa na wika ni Julie " Ang mga damit mo pala nasa ibabaw ng kama mo ikaw nalang mag-ayos sa cabinet. Uuwi na ako tapos na trabaho ko! Magluluto pala ako ng pansit bukas dalhan kita." Nakangiti na paalam ni Julie " Ingat Julie! Huwag mo Kalimutan uminum ng alak para kahit paano gumwapo naman sa paningin mo ang Asawa mo." Pasigaw na tugon ko " Gago " sigaw ni Julie Kinabahan nandito kami sa Restaurant sa loob ng resort sa kanilang baryo. " WOW! Ganda dito kitang-kita ko ang naghahalikan na mag sing-irog. " Nakangiti na wika ko Napaubo si Vaughn agad ko siya binigyan ng tubig " Ang sarap ng pagkain tapos naghahalikan talaga ang napansin mo." Naiiling na wika ni Vaughn " Hehe! Sarap din ng Pagkain! Mahilig din kasi ako sa inihaw." Nakangiti na tugon ko Habang kumakain nasa labas ng restaurant ang tingin ko. Napangiti ako ng sa wakas nasipat ko na ang hinahanap ko. Nakatayo sa labas ng pinto ng Restaurant si Chris may hawak na can beer Tinaas niya ang hawak na Beer at Kumindat. Napangiti ako para bang Gusto ko tumakbo papunta kay Chris. Dalawang buwan din kami Hindi nagkita. Nag Imbistiga kasi siya sa Kalaban kaya matagal bago siya nakabalik " Vaughn salamat sa pagtulong mo saakin. Balang araw makakaganti din ako sa kabutihan mo. " Nakangiti na wika ko " Pag butihan mo ang pag-aaral mo." tugon ni Vaughn
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD