Chapter 18 Wrong Answer

1997 Words
Carmelita * * " Papa! Huwag kana magalit. Daplis lang naman sugat ko hindi naman masakit." Paglalambing ko kay Papa " Yan na nga e. 15 years na simula ng magsanay ka sa pakikipaglaban hanggang ngayon nasusugatan kapa. Paano ako mapapanatag kung alam ko na maaari kang mamatay. " Galit na bulyaw saakin ni Papa habang nagmamaniho Tumahimik ako ganito kami lagi sa tuwing nasusugatan na. Pero Pagdating sa pagsasanay nag-iiba ang Ugali niya. Nagkunwari nalang ako natutulog nararamdaman ko ang kirot ng kanang braso ko pero tiniis ko baka kung ano na naman sabihin ni Papa OA na kung mag-aalala saakin Hapon na ng nagising ako nasa bahay na ako ni Chris may benda na Ang Braso ko. Nagbibilang siya ng Pera sa dala namin " 1 million lang naman ang pera Fake money ang iba. Ano gagawin mo dito?" Wika ni Chris " Bahala kana! May good New ako sayo. Boyfriend ko na si Vaughn." nakangiti na wika ko Natigilan si Chris sa pagbibilang ng fake money " Talaga? Magakaka-apo na ako?" Tanong ni Papa bakas ang tuwa sa kanyang mukha Sumimangot ako naupo ako sa harapan niya. " Wala naman namagitan saakin hanggang kiss lang? Nanonood naman ako ng Adult Video kaso sabi ni Vaughn Ihaharap daw nya ako sa Altar na malinis. Kaso diba Pagtapos ko ng college mas mahirap ang kalaban natin. Kailangan natin mabawi ang Lolo sa kamay ng kalaban. Hindi basta-basta yon! Nagsasanay nga ako gumamit ng baril. " nakasimangot na wika ko " Kung sana magkakaroon ka ng Anak sana kahit na mamamatay tayo sa gitna ng laban may magpapatuloy sa Angkan natin. " Malungkot na tugon ni Chris " Gaano ba kagaling lumaban ang mga Tauhan ni Hendrick?" Tanong ko " Para silang killing machine. Para silang Demonyo halang ang kaluluwa, Masahol pa sila sa Demonyo kahit limang taong gulang na bata ginagamit nila. Gustong-gusto ko silang ubusin, Marami na akong nabawas sakanila ngunit kung ihahambing sa dami ng Tauhan ni Mr Hendrick 5% pa lang ang napapatay ko. " Mahabang paliwanag ni Chris " Papa! Maglaho ka ulit! Burahin mo ang lahat ng Bakas mo pasukin mo ang pinaka malaking Pagawaan nila ng Druga. Mag-aaral akong mabuti Mananatili muna ako sa Hacienda. " Seryoso na tugon ko " Nakaisip na ako ng Paraan para makapasok bilang Tauhan ni Hendrick. Kailangan ko baguhin an--- " Realistic prosthetic Face mask. Tinawagan ko na si Uncle Ace tawagan mo nalang ulit para kayo na ang magkaintindihan." Putol ko sasabihin ni Papa " Galing! Oo nga no bakit ngayon lang natin naisip yon? Kung papalarin makalapit kay Hendrick mapatay ko siya tapos ang problema. " nakangiti na tugon ni Chris '" Chris Alamin mo din kung Alam ba ng kalaban ang mukha ko? Kung gaano nila ako kakilala. Kailangan ko ng sagot baka sakaling magamit ko ang Ganda ko laban sakanila." nakangiti na sabi ko Nagpalipas pa ako ng isang linggo kasama si Papa. Napag-usapan namin na tinuon ang pansin ko sa pag-aaral at kung paano magkakaroon ng Baby. Pagkatapos ko mag-aral ng college at kung papalarin na magkaroon ng baby maiiwan ito sa Pangangalaga ni Vaughn. At maglalaho ako kasama ni Papa. Yon ang plano namin " Vaughn." Masaya na Sigaw ko Kararating lang ni Vaughn nakasimangot siya para bang ang bigat ng problema. " Babe?" Gulat at hindi makapaniwala na tawag nito Pagbukas niya ng pinto ng kwarto bumungad sakanya ang nakangiti na mukha ko Agad niya nilock ang pinto kinabig ang batok ko Sabik na Inangkin ang labi ko naluluha pa siya ng pakawalan ang labi ko. " Sobrang nag-aalala ako sayo! Hindi kita makontak Akala ko tuloyan mo na ako Iniwan. Para akong nasisiraan ng bait." Naluluha na wika niya Natigilan ako bigla ako nakonsinya. Kung mahuhulog ng tuloyan ang loob ni Vaughn saakin paano na kung bigla ko siya Iwanan. Niyakap ko nalang siya ng mahigpit sinabi ko na okay lang naman ako. Nakasama ko ang Papa ko " Tara sabayan mo ako kumain ilang araw na ako hindi makakain ng mabuti ." Malambing na aya ni Vaughn Ibang-iba ang pakiramdam ko ngayon. Para bang kulang ang salita para maipahayag ko sakanya kung gaano ko siya kamahal Natigilan ako sa paglalakad palabas ng Kwarto ni Vaughn " I think I love you." Sambit ko Natigilan si Vaughn dahan-dahan napalingon saakin " Mahal mo ako? Magkaiba ang Love sa Like. Liking is enjoying a conversation with a colleague, appreciating a friend's humor, or admiring someone's And Love is the deep connection with a partner, family member, or close friend, commitment, and a willingness to prioritize their needs. " Mahabang paliwanag ni Vaughn " Hindi ba pagmamahal ang nararamdaman ko sakanya?" Tanong ko sa aking sarili " Hindi ba pagmamahal ang nararamdaman ko sayo? Masaya ako kasama ka! Gusto kita laging kasama." Nagtataka na tanong ko " Ikaw ang makakasagot ng bagay na yan! Saka mo na Sabihin saakin ang salitang mahal kung handa kana pakasal saakin. Kung handa kana makasama ako at hindi mo na ako iiwan, At kung handa kana bumuo ng sariling pamilya kasama ako. Darating ang araw iiwan kadin ng Mga magulang mo. Tatanda sila at Ikaw ang maiiwan mag-isa. Sana pag-isipan mo din ang Future mo. Hindi kita pinipilit na piliin ako. Pero sana dumating ang araw na Ako naman ang piliin mo. Maghihintay ako sa araw na yon." seryoso na Paliwanag niya Hindi na ako sumagot bigla ako nalito sa nararamdaman ko. Nagdududa ako sa sarili ko kung pagmamahal ba ang nararamdaman ko kay Vaughn o paghanga lang. " Nag-away ba kayong dalawa bakit hindi kayo nag-uusap?" Tanong ni Manang Amparo " May iniisip lang po ako." tugon ko Uminum ako ng Tubig saka tumayo Nagtimpla ako ng kape " Kaunti lang kinain mo." Puna ni Vaughn " Busog na ako." Tugon ko Dala ang tasa ng kape naupo ako sa gilid ng swimming pool nakatitig lang ako sa tubig ng swimming pool habang humigop ng kape " Kung sana mapapatay ko agad si Mr Hendrick. Sana maaari din ako mabuhay ng normal. Oo nga darating ang araw na tatanda din si Papa iiwan din nya ako. Ano ang gagawin ko? gusto ko makasama si Vaughn gusto ko din matapos ang problema ng pamilya namin. Nag-aaral pa ako may magagawa ba ako para matapos Agad ang problema namin? Gusto ko din mamuhay tulad ng mga kaedad ko. Malaya sila makagala masaya sila gumigising sa umaga kasama ang mahal nila sa buhay. " " Hey! Sorry kanina kung may nasabi ako na hindi maganda." Mahinahon na wika ni Vaughn naupo siya sa tabi ko Ngumiti lang ako sakanya kahit sa loob ko Gustong-gusto ko na umiyak. Naisip ko bakit saamin pa nangyari to bakit kailangan namin maranasan ang ganito kahirap na setwason. " Babe kausapin mo naman ako." Malambing na Pakiusap ni Vaughn " Bata pa ako Vaughn sa Edad ko na 19 marami pa akong Hindi maintindihan. May mga katanungan ako na hindi ko mahanap sa kahit anong libro ang sagot. Nagsasanay naman ako ng mabuti sa pakikipaglaban nagsusumikap matuto ng mabuti. Nag-aaral ako ng mabuti lahat ng grade's ko mataas lagi ako pasok sa Top 10. Pero kahit anong gawin ko para hindi sapat para maging masaya ako ng lubusan. Nasugatan parin ako ng makipag laban kami ni Papa. " Malungkot na Paliwanag ko Kinuha ni Vaughn ang tasa sa kamay ko inilapag tabi niya Kinabig niya ako kinulong sa kanyang Bisig " Nag resign ako sa pagiging Agent! Tulad ng plano ko sa oras na makabili ako ng Beach titigil ako sa Trabaho at mag nenegosyo nalang ako. Ngayon okay na ang lahat sa business ko. Matutulungan na kita! Sabihin mo saakin ang lahat mula sa simula ng problema nyo. Tutulongan kita." Malambing na wika ni Vaughn " Inaantok na ako matutulog na ako." Pag-iiba ko sa usapan Humiwalay ako sa pagkakayakap sakanya tumayo ako at naglakad palayo sakanya " Bakit hindi mo ipagtapat saakin para matulongan kita sa problema mo?" Pagalit na tanong ni Vaughn " Sapat na ang binigyan mo ako ng tahanan. Sapat na ang pinag-aaral mo ako, Sapat na tinanggap mo ako, Kalabisan na kung pati buhay mo manganganib dahil saakin. " Tugon ko sakanya " Diba may kasintahan na tayo? Karapatan ko din na damayan ka sa problema ko." Mariing wika ni Vaughn " Kasintahan Vaughn Hindi Asawa. Huwag kang magpakatanga dahil lang saakin. Huwag mo ipahamak ang buhay mo. Mamuhay ka ng masaya ituon mo ang pansin mo sa negosyo mo. " Walang Emosyon tugon ko Naglakad na ako papasok sa kwarto narinig ko ang pagmumura ni Vaughn. " Naging makasarili ako! Iniisip ko lang kung paano magkaroon ng anak, Para may magpapatuloy sa Angkan namin. Hindi ko nga maintindihan ang ibig sabihin ng pagmamahal. Hindi ko nga alam kung Ano ang nararamdaman ko kay Vaughn pagmamahal o sempling paghanga lang. Basta ang alam ko gusto ko siya makasama sa pagtanda ko. Ngunit hindi ko alam kung magkakaroon ako ng pagkakataon na makasama siya sa pagtanda ko. " Sa kusina ulit dumiritso Nagtimpla ako ulit ng kape " Pangalawang kape mo na yan. " Sita ni Vaughn Para akong walang narinig iniisip ko kung ano ang pinaka magandang gawin. " Tanginang buhay to! Hindi ko manlang ma enjoy ang buhay ko. Puro problema! Ano ang gagawin ko? " tanong ko sa aking sarili Napahinga ako ng malalim sa Balcony ng Kwarto ko ako naupo inilapag ko ang kape ko sa Maliit na table. " Babe! Kausapin mo naman ako." Malambing na Pakiusap ni Vaughn " Tangna ka! Sempling Sabi ko lang sayo na i Think i love you! Tapos dami mo nang sinabi ayan tuloy Hindi ko alam ang gagawin ko? Hindi ko tuloy alam kung ano ang uunahin ko. " Galit na bulyaw ko Niyakap niya ako tinulak ko siya " Dapat nag i love you too nalang pala ako." Nagsisisi na Tugon niya " Isa lang ang naiisip ko na sulosyon sa lahat ng problema ko." Sambit ko " Ano yon?" Tanong ni Vaughn " Bukas na bukas uuwi na ako sa bahay ng papa ko. Wala naman tao don. Saka ko umpisahan sulosyonan ang problema namin." Tugon ko " Hell no! Dito ka lang." Malakas na tugon ni Vaughn Niyakap niya ako ng mahigpit " Hindi pwede Vaughn! Hirap ka paintindi! Isa lang naman ang gusto ko. Ang yakap mo at halik mo para kahit paano na relax utak ko. Sa Tuwing kasama kita nawawala ang lahat ng alalahanin ko. Pero sempling I love you ko sayo pinagdudahan mo pa. Ayan tuloy pinagdudahan ko karin pati sarili ko kung Ano ba ang nararamdaman ko sayo. Imbis na pag-aaral at problema sa pamilya lang ang iniisip ko dumagdag kapa." Paninirmon ko dito " Hindi na ako dadagdag sa Problema mo. Huwag mo ako iiwan dito ka lang malaya ka umalis sa Tuwing may personal ka na lakad basta babalik ka dito pagkatapos, Okay na ako don huwag naman yon tuloyan kang Aalis. Nagsisimula pa lang ako mangarap para sa future natin. " Malungkot na pakiusap ni Vaughn " Pag-iisipan ko. Hilot mo Ulo ko parang sasabok na sa dami ng iniisip ko. Huwag mo ako bibigyan ng iisipin Vaughn lalayasan kita. Ayaw ko ng dagdag na problema." Walang Emosyon na utos ko Agad na sumunod si Vaughn sa utos ko marahan niyang hinilot ang Sintido ko pumikit ako " Nakakatakot ka naman magalit Babe. Mahigit isang linggo pa lang buhat ng maging magsyota tayo tapos hihiwalayan mo ako. Ibig bang sabihin bawal ako magalit sayo?" Parang bata na wika ni Vaughn " Ang mga sempling bagay kasi huwag mo nang palakihin. sempling sabi ko I Love you dapat sumagot ka nalang ang I love you too. Siraulo ka din kasi. Hindi na ulit ako magsasabi ng ganyan sayo. Aalamin ko muna kung ano ang tunay nararamdaman ko sayo." Walang Emosyon Tugon ko " Mali talaga ako dapat sumagot nalang ako ng I love you too. " paninisi ni Vaughn sa kanyang sarili
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD