"Alam mong hindi ako kumakain ng ganiyan, hindi ba?" Kanina pa nagpipigil ng tawa niya si Kate dahil sa patuloy na pag protesta ni Winsley kahit sa loob niya ay tawang-tawa na siya. Ayaw niya kasing ipakita na tuwang-tuwa siya sa ginagawa nito kaya naka-suot lang siya ng isang seryosong maskara. "Sabi mo gagawin mo ang lahat diba? Ano babawi ka ba sa pamimilit mo sa akin kanina o iiwan na kita?" Ngumuso ito sa kaniya. Para itong bata na nagpapungay pa ng mata habang nagpapaawa na 'wag na niya itong pilitin na gawin ang bagay na iyon pero desidido na siya. Gusto niyang makita ang reaksiyon nito kapag nginunguya na nito ang bituka ng manok na pinaluto niya. Alam naman niya na hindi kumakain ng ganoon si Winsley. Noon pa man ay allergic na ito sa mga pagkaing tinutusok-tusok dahil ang tin

