Kabanata 20: I'm Sorry

1140 Words
Medyo tipsy na siya. Dahil nakatatlong baso siya ng in-order niyang matapang na alak ay ramdam niya ang nagwawalang espiritu niyon sa loob niya. Napatingin siya sa direksyon na kinatatayuan ni Winsley at ng babaeng kausap nito. Nang makita siya nitong tumatayo na ay mabilis itong tumakbo sa direksyon niya. Natakot ata na iwanan niya. Dahil halos takbuhin siya nito ay naabutan nito ang kamuntikan na niyang pagkatumba. May pag-aalala siya nitong inalalayan. "Are you drunk? Sandali lang akong nawala ganiyan na ang itsura mo?" sermon nito sa kaniya. Nakakatayo pa naman siya kahit papaano pero talagang umiikot na ang paningin niya kaya naman hindi niya ito matitigan ng maayos. Dapat ay naniwala siya sa bartender na kausap niya pero wala eh, masyado siyang nagpumilit dahil naiinis siya sa nakikita niya. Naiinis siya dahil nagagawa ni Winsley na makipagtawanan sa babaeng kausap nito. Habang siya, iyon at nagawa siya nitong iwanan ng ganoon nalang. "Eh siraulo ka naman pala e. Yayayain mo akong samahan ka dito tapos iiwanan mo naman ako. Anong gusto mong gawin ko ha? Maghintay sa'yo? Eh hindi ka man lang nga nagpaalam e. Basta mo na lang akong tinalikuran ng walang pasabi tapos ngayon mag rereklamo ka sa ginagawa ko? Gunggong!" Dinuro-duro pa niya ito sa dibdib dala ng inis niya dito. Kung pwede nga lang niyang pilipitin ang leeg nito ay siguradong ginawa na niya para lang mapatigil ang pagngisi nito sa kaniya. Ang siraulo talaga! Nagagawa pang tawanan ang kalagayan niya... Bumuga ng hangin si Winsley. Ikinawit nito ang kamay nito sa bewang niya at inakay na siya palabas ng bar. Nang matunugan naman niya ang plano nito ay tinulak niya ito ng malakas at patakbo siyang bumalik sa loob. "Ayoko pang umuwi..." Iiling-iling na hinabol siya kaagad ni Winsley. Nang maabutan siya nito ay sinamaan siya nito ng tingin. Iyong tingin na may kasamang pagbabanta. "Ayoko ng ganiyan ka! Hindi ito ang gusto kong mangyari kaya uuwi na tayo!" mariin nitong sabi. Hahawakan sana siya nito sa braso pero mabilis niyang inilayo ang kamay niya. Mula sa maliit na bag na dala niya ay isa-isa niyang inilabas at binilang ang pera na ibinayad nitong sa kaniya kanina. Ibinato niya iyon sa mukha nito. "Ayan na ang binayad mo. Basta dito lang ako. Umuwi ka kung gusto mo! Leave me alone... Ngayon nga lang ako nakapag-enjoy ng ganito pipigilan mo pa ako! Psh!" Napamasahe nalang ng sentido si Winsley. Pinabayaan lang nito na kumalat sa sahig ang perang ibinato niya. Galit itong sumunod sa kaniya. Pinilit niya namang makalayo dito. Sumiksik siya sa gitna ng mga taong nagsasayaw sa dance floor tapos humanap siya ng magiging kapareha sa pagsasayaw. Gusto niya rin kasing makaindak. Matagal na simula noong maranasan niya ang pagiging wild dancer kaya iyon ang gusto niyang gawin ngayon. Nang may makita siyang lalaki na nakatayo malapit sa mga kabataang nagsasayawan at naghaharutan ay sinunggaban niya ito at niyakap. "Sayaw tayo..." aniya dito. Nagulat man ito sa pagdating niya pero agad din itong napangiti ng mapagmasdan siya. "I like you... Hmm..." Kakapitan sana siya nito sa bewang pero may malakas na pwersang naglayo sa kaniya dito. Bigla nalang sumulpot si Winsley sa harapan nila at hinila siya nito ng ubod-lakas. Parang humiwalay nga ang braso niya sa katawan niya dahil sa ginawa nito. "Don't you f*****g touch my girl! f**k you!" narinig niya bago nagpakawala ng malakas na suntok si Winsley. Dahil sa pagkagulat ay biglang nawala ang lasing niya. Para may nagbuhos sa kaniya ng malamig na tubig kaya natauhan siya. "Eh gago ka pala e." Agad siyang nakaramdam ng pagkataranta nang gumanti ng suntok ang lalaki. Nagsimula ng magsigawan ang mga tao sa loob ng bar. Hindi niya alam kung paano niya patitigilin ang dalawang nagsusuntukan. Mabuti nalang at mabilis na umaksyon ang mga bouncer ng bar. Pumagitna ang dalawang malalaking lalaki sa kanila. Doon na niya niyakap mula sa likod si Winsley. Hinigpitan niya ang pagkakayakap niya dito para siguraduhin na hindi na ito lalapit pa sa kaaway nito. Nararamdaman naman niya na tila kumalma ito. "I'm sorry. I'm sorry. I'm sorry." paulit-ulit niyang sabi. Habang sinasabi niya iyon ay bigla nalang tumulo ang luha sa mga mata niya. Alam niya na kasalanan niya ang nangyari kaya naman kahit papaano ay naiinis siya sa sarili niya. Imbis na sagutin siya ni Winsley ay tinanggal nito ang kamay niya na nakayap dito at sinimulan na siyang hilahin palabas ng bar. Wala namang umawat sa kanila. Pasalamat narin siya dahil wala silang nasirang property ng bar kaya hindi sila hinabol ng mga bouncer. Pagdating sa labas ay pinasakay siya nito sa kotse. This time ay hindi na siya tumutol pa sa sinasabi nito. Nang dalawa na silang nakasakay sa loob ay tahimik na napahawak sa manibela si Winsley at napatingin sa kaniya. Taranta siyang nagpunas ng pisngi. Ayaw niya sanang ipakita dito ang ginawa niyang pagluha pero huli na ang lahat dahil titig na titig na ito sa kaniya. Magsasalita pa sana siya nang bigla nalang siya nitong yakapin. Isang mainit na yakap na punong-puno ng pag-aalala ang yakap na naramdaman niya. Hindi niya napigilang ipikit ang mga mata niya para lang namnamin ang yakap na kay tagal niya ring hindi naramdaman. "I'm sorry," bulong ni Winsley sa kaniya. Hinaplos nito ang buhok niya. Pagbitaw nito sa kaniya ay sinusian na nito ang kotse at pinaandar na parang walang anomang nangyari. Ang sumunod na mga sandali nila sa loob ng sasakyan ay naging tahimik na. Puro sila sulyapan sa isa't isa pero wala namang nagbubukas ng topic sa kanila kaya walang ingay na maririnig sa loob ng kotse, bukod sa ugong ng makina nito. Tumigil lang ito ng marating nila ang taniman ng mga kape. Pa-kontra iyon sa direksyon ng mansion kaya hindi niya maisip kung ano ang ginagawa nila doon. "I want it now. Right here. Right now..." Nalaglag ang panga niya sa narinig niya. Pagkatapos ng napakahabang katahimikan ay hindi niya inaasahan na iyon ang unang salitang maririnig niya. Nagpalinga-linga siya sa paligid. Masyadong madilim sa lugar. Ilang kilometro pa ang layo ng kabahayan sa kinaroroonan nila kaya imposible namang may mapadpad doon ng ganoong oras. Isa pa ay tinted naman ang kotse kaya kahit magpasirko-sirko pa sila sa loob ay wala ring makakakita sa kanila kaya ayos lang iyon sa kaniya. "Baba na!" utos ni Winsley. Pagkatapos nitong buksan ang pintuan sa driver's seat ay lumabas na ito ng sasakyan. Tama ba ang narinig ko? Sa pinabababa niya ako? Ngayon ay napuno na siya ng pag-aalala. Hindi siya makapaniwala sa naisip nitong lugar na pagpapalipasan nila ng oras. Paano nito naisip ang ganoong bagay? Hindi man lang ba ito nag-aalala na baka may makakita sa gagawin nila? Nasisiraan na ba ito ng bait?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD