You can love them, forgive them, want good things for them... But still move on without them.
---×××---
Gusto niya sanang subukan ang pamimitas ng mga bunga ng kape pero wala naman siyang gana na gawin iyon, ngayon. Pagkatapos ng mga narinig niya ay para siyang bigla nalang lumutang sa kalawakan. Masakit na nga ang dibdib niya ay nadamay pa ang utak niya. Talagang masyado na siyang nato-torture ni Kate at naiinis siya dahil wala siyang magawa para pigilan iyon. Mahigit isang taon na niyang sinusubukan na makawala sa anino nito pero kahit ano ang gawin niya ay hindi siya makawala sa pagkakatali nito sa kaniya.
He was so addicted to her. Everytime na nariyan si Kate sa tabi niya ay nawawala ang galit niya dito na paulit-ulit niyang ipinapasok sa sistema niya. He is really mad at her for leaving him like that pero bakit gusto niya parin itong makasama? Gusto niya parin itong nakikita.
"Sir, may problema ba?"
Namalayan nalang niya na nasa tabi niya na pala ang babaeng iniisip niya ng marinig itong nagsalita. Tinapunan niya ito ng nagtatanong na tingin. Talagang wala na nga yata siyang halaga dito dahil nagawa na nitong lumagay sa tahimik kasama ang napili nitong pamilya.
Hindi niya maintindihan kung bakit ganoon ang kinahinatnan nila. Bakit ibang lalaki ang ginusto nitong makasama. Bakit sa ibang lalaki nito napiling magkaroon ng anak. Bakit hindi nalang sa kaniya? Kaya niya rin namang gawin iyon ah.
"Totoo ba?" napapaos na tanong niya.
Nakusot ang noo ni Kate. "Totoo ang?" tanong nito.
Kinagat niya ang labi niya. Hirap siyang bitawan ang tanong na iyon dahil natatakot siya na baka masampal siya ng katotohanan. Ayaw niyang marinig mismo sa bibig ng babaeng mahal niya na masaya na ito sa buhay nito bilang isang asawa at ina.
Hindi niya iyon matatanggap.
---×××---
Napakunot ang noo ni Kate. Iniisip niya kung ano ang tinutukoy ng tanong ni Winsley. Para kasi itong malungkot e.
"Wala." Umiling-iling ito. Tinalikuran na siya nito at lumakad papasok sa taniman.
Sinundan niya naman ang lalaki. Nanatili lang siya sa likod nito. At para mapanatili ang distansya nila sa isa't isa ay tinatapakan niya ang bawat tinatapakan nito. Para lang siyang nakikipaglaro. Ang pinagkaiba lang ay hindi maganda ang awrang nakapalibot sa kanila. Tila may itim na ulap na nakapalibot sa kanilang dalawa kaya naman makulimlim ang paligid nila.
"Alam mo ba kung bakit ako nandito ha?" Tumigil ito sa paghakbang kaya naman napatigil din si Kate. Hinarap siya ito. Nawala ang emosyon nito habang nagsasalita. "Gusto kong mawala ka na sa sistema ko. Gusto kong tuluyan ng maka-move sa sa'yo. I want a peace of mind."
Parang may kumurot sa puso niya. Narito ngayon si Winsley sa harap niya at sinasabi sa kaniya na gusto na nitong maka-move on sa kaniya.
Tumawa siya ng mapakla.
Tila may malaking bato na nakadagan ngayon sa dibdib niya. Hindi siya tanga para hindi makuha ang gustong mangyari ni Winsley sa kanila. He want to have s*x so he will erase the burden of missing her. Siguradong iyon ang dahilan kaya siya nito sinusubukang akitin. Una, doon sa may study room. Pangalawa doon sa loob ng kotse. It was all about having s*x with him again. Iyon siguro ang naiisip nitong paraan para tuluyan na itong maka-move sa kaniya. Siguro iniisip nito na kaya hindi siya mawala sa sistema nito ay dahil iyon sa matinding pagnanasa nito sa katawan niya.
Pero pagnanasa nga lang ba talaga?
Umaasa siya na hindi lang sana iyon ang dahilan. Sana ay mas malalim pa doon. Sana ay totoo na mi-miss siya nito at hindi lang ang katawan niya.
"Gusto mong maka-move on? Nagpunta ka dito at hinanap mo ako para tulungan kitang mag move on? By what? By having s*x with me again? Sa tingin mo ba kapag may nangyari ulit sa atin ay tuluyan mo na akong makakalimutan? Iyon ba ang iniisip mo ha?"
Pakiramdam niya ay nag-init ang pisngi niya ng makita ang pagkislap ng pagnanasa sa mukha ni Winsley.
Mukhang iyon nga lang talaga ang habol nito sa kaniya.
"Ano pa ba ang inaasahan mo? Isa akong lalaki Kate."
Tumango-tango siya. "Fine! Let's have s*x then!" diretsong sabi niya sabay tingin nang nang-aakit dito.
Nalaglag ang panga ni Winsley. Namilog ang mga mata nito indikasyon na hindi nito inaasahan na sasabihin niya iyon.
Let's have s*x pero hindi ko hahayaan na doon na magtapos ang lahat.
Kumislap ang pilyang ngiti sa labi niya. Lumakad siya paabante. Para namang natigilan si Winsley. Ngayon ay parang siya na ang mas may kapangyarihan sa kanila. She was making it again. Nagagawa niya paring matigilan si Winsley. She still has a power over him kaya naniniwala siya na hindi lang s*x ang habol nito sa kaniya. Sisiguraduhin niya na hindi lang sa s*x matatapos ang lahat. Muli niya itong babaliwin at ipamumukha niya dito na hindi siya ganoon kadaling mawala sa sistema nito katulad ng iniisip nito.
"You?"
Inilapit niya ang mukha niya dito. Dahan-dahan niyang pinagapang ang mga daliri niya sa dibdib nito pababa sa mga hita nito. Nang dumaan ang kamay niya sa kaumbukan nito ay napansin niya na tila nabuhay ito kaya naman napangisi siya. Talaga kasing matindi ang pagnanasa nito sa kaniya, na kahit ganoon palang ang ginagawa niya ay naapektuhan na ito. Tuluyan na niyang dinakma ang alaga nito. Nang simulan niyang himasin iyon marahan ay napatingala si Winsley sa kalangitan.
"s**t!" mariin nitong usal.
Lalo pa siyang natuwa sa ginagawa niya kaya mas idinikit pa niya ang katawan niya sa katawan nito.
"You want this huh? Meet me in your room at eight. Sisiguraduhin ko sa'yo na hindi ako ganoon kadaling makalimutan." Kinindatan niya ito at mabilis na tinalikuran.
Nakangiti siyang naglakad palabas ng taniman. Mabuti nalang at walang namimitas sa bahaging kinaroroonan nila, kung hindi ay nakakahiya siya.
Isang nakakalokong ngiti ang pumaskil sa labi niya.
Humanda ka Winsley. Lalo mo akong hindi makakalimutan pagkatapos ng gagawin ko sa'yo.
Paglabas sa taniman ng mga kape ay sinalubong siya ni mang Jerry ng isang mainit na kape. Dalawa ang hawak nito. Ang isa ay iniabot sa kaniya habang ang isa ay ibinigay naman nito sa nasa likuran niyang si Winsley.
"Heto at tikman ninyo ang bagong tusta kong kape," anito.
Pagkakuha noon ni Kate ay lumakad ito papunta sa kubo na tinatambayan ng mga nagpapahingang trabahador. Nasa ilalim iyon ng malaking puno ng mangga. Gawa iyon sa purong kawayan na may lamesa sa gitna. Isang bahagi lang ang dingding noon kaya naman lagusan ang hangin na dumadaan doon.
Pagkaupo niya ay tinapunan niya ng tingin si Winsley at kinawayan na lumapit sa kaniya. Hindi naman siya nito binigo. Naupo ito sa tabi niya at tumingin sa mga tauhan na nag ku-kwentuhan habang humihigop ng kape.
"Uhmmm... I like this coffee." Turo nito sa hawak nitong tasa habang nakatingin kay mang Jerry.
"Talaga ba? Aba'y dito mo lang matitikman ang kapeng iyan sir."
"Gusto ko pong bumili nito."
Umiiling na tumawa si Kate. "Hayaan mo, igagawa kita ng ganito kapag natuyo na ang mga kape na ibinilad nina mang Jerry."
"Really?"
Tumango-tango siya dito. Hindi niya mapigilang mapangiti dahil sa inaarte nito. Pagdating kasi sa kape ay hilig nito ang puro katulad ng iniinom nito ngayon.
Maya-maya ay nagkagulo ang mga trabahador. Sinalubong ng mga ito ang dumating na sasakyan. Napalingon naman doon sina Kate at Winsley.
Nang makita niyang lumabas ng sasakyan si Ramon ay napatayo siya. Sasalubungin niya sana ito pero hinawakan ni Winsley ang kamay niya kaya napatigil siya.
"Hey Kate, nandito ka pala." Kaway sa kaniya ni Ramon.
Pagkatapos nitong ibigay sa mga trabahador ang dala nitong meryenda ay lumapit ito sa kinaroroonan nila.
"At ano naman ang ginagawa mo sa property ko, mister Herrera? For all I know ay hindi mo na tauhan ang mga iyan kaya hindi mo na obligasyon ang pagdadala sa kanila ng meryenda." Matigas na sabi ni Winsley.
Tiningnan ni Ramon ang nakahawak na kamay nito sa kaniya kaya naman naiilang niyang hinila ang braso niya na nabitawan naman ni Winsley dahil sa pagkabigla.
"Well, hindi naman siguro masamang magbigay paminsan-minsan mister Quinn." Tumingin ito kay Kate pagkatapos ay nginitian niya ito. "Hi Kate."
Mabilis na tumayo si Winsley. Hinawakan muli nito ang kamay niya at sinimulan siyang hilahin palayo roon. Lihim siyang natatawa dahil sa inaarte nito. Para itong nagseselos kay Ramon kaya naman hindi niya mapigilan ang sarili na kiligin dito.
Iyan ba ang aalisin sa sistema huh?