Pagtapak na pagkatapak niya sa lupa ay mabilis na pinalipad ni Winsley ang kotse nito. Muntik pa siyang mangudnod dahil sa pagkabigla. Mabuti nalang at nagawa niyang labanan ang pwersang sumubok na magpatumba sa kaniya.
"Asshole..." she cursed him. Hindi siya makapaniwala na magagawa ito ng lalaki sa kaniya.
Nang hindi na niya matanaw ang kotse ni Winsley ay may pag-aalala siyang nagpalinga-linga sa paligid. Hindi siya mahilig gumala kaya kahit matagal na siya sa hacienda ay hindi parin siya pamilyar sa lugar. Mabuti nalang at may naiwang marka ang dinaanan ng sasakyan nito kaya maari niya iyong sundan upang makabalik sa daanan.
Halos mapatalon siya nang may narinig siyang tunog nang mga nababaling sanga. Kinakabahan siyang pumihit ng tingin sa likuran niya. Pero sa kamamadali niyang makaikot ay tila may ugat siyang nawala sa ayos kaya bigla nalang sumakit ang binti niya. Agad siyang nawala sa balanse at natumba. Napangiwi siya sa sakit ng maramdamn niya ang pagtama ng puwetan niya sa lupa. Dagdag pa roon ay ang sakit na dulot ng na dis-allign niyang ugat sa binti.
"Yikes, pasensya na at nagulat yata kita?" May pag-aalala siyang dinaluhan ng binatang may hilang kabayo.
She knew him. Siya si Ramon, isa sa anak na lalaki ng mag asawang Herrera. Mahilig itong mangabayo at maglibot sa hacienda kaya hindi na nakapagtatakang makita niya ito sa lugar. Sinipat nito ang binti niya. "May I?" anito habang unti-unting hinahawakan ang binti niyang hawak niya rin dahil sa pananakit noon.
"Mukhang nabigla ang pagpihit mo kaya nagkaganito ang binti mo." Pinisil-pisil nito ang binti niya na ikinapipikit niya sa tuwing may tatamaan itong masakit sa pakiramdam niya.
"It's my fault. Masyado kasi akong magalaw kumilos e." She smiled.
"Konting sakit lang ito. Just-"
Hindi pa nga nito natatapos ang sasabihin ay pinihit na nito ang binti niya kaya hindi siya nakapaghanda. "Fuc-" Napatigil siya sa binitawan niya sanang mura dahil napataas ang tingin niya at nakitang titig na titig sa kaniya si Ramon.
"How was it? Masakit pa ba?" Binitawan na nito ang binti niya.
Iginalaw-galaw niya iyon at napangiti siya ng wala na siyang nararamdaman na sakit mula roon. "Isa ka talagang tunay na doktor."
Tumayo na ito at iniunat nito ang kamay para alalayan din siyang tumayo.
"Ano ba kasi ang ginagawa mo dito ng mag-isa? For all I know hindi ka naman mahilig mamasyal, hindi ba?" curios na tanong nito and he pulled her up.
"Actually, bigla ko na lang kasing naisipan na maglibot-libot e. Masyado kasi akong stress this fast few days kaya gusto ko munang mag nature hunting."
"Really?"
She nodded.
"You want me to take you to the hidden paradise in this hacienda?"
Her eyes twinkle. "Mayroon bang gano'n dito?"
"Yeah."
"Ok. Dalhin mo ako roon." Nakangiting sagot niya.
"Lets go then." Iniunat ni Ramon ang kanang kamay nito at ngumiti. "I'll be your tour guide."
"Wow ang gwapo naman ng tour guide ko." She chuckled.
Kahit papaano ay nawala sa isip niya ang ginawa ni Winsley. She can barely feel the pain of his comeback kaya naman tama lang na aliwin niya naman ang sarili niya. Just to smell some fresh air. Feeling niya kasi kapag dumiretso siya sa mansion ngayon ay maso-soffocate na naman siya sa presensiya ni Winsley. Hindi na niya alam kung paano niya haharapin ang lalaki. Lalo pa ngayon na alam niyang siya ang pakay nito. Ang maghiganti sa kaniya.
Pinag-iisipan na nga niyang mag resign sa trabaho. Lalo pa at alam niya na hindi magiging maganda ang pananatili niya sa mansion. Marami pa naman siyang mahahanap na trabaho e. Nakapagtapos naman siya ng pag-aaral kaya alam niya na marami siyang pwedeng pasukan na trabaho. She took accountancy, kaya marami siyang pwedeng apply-yan. Mas pinili lang niyang mamasukan bilang katulong sa hacienda dahil iyon ang naging una niyang trabaho na malaki ang offer na sahod. But now that Winsley is taking over the hacienda, hindi na niya yata kayang pumasok pa.
Isinakay siya ni Ramon sa hila nitong kabayo at saka ito sumampa at naupo sa likuran niya. Dahan dahan lang ang ginawang pagpapalakad ni Ramon sa kabayo nito. Maingat at mabagal kaya nagawa niyang namnamin ang pagsakay doon pati na rin ang tanawin na nakikita niya.
Makalipas lang ang ilang minuto ay natanaw na niya ang sinasabi nitong hidden paradise ng hacienda. It was a mini-waterfalls. Ang bawat tubig na inilalaglag ng talon ay sinasalo ng isang lagoon. Para nga iyong paraiso sa gitna ng kagubatan. She was amazed to see it. Medyo tago ang lugar kaya siguro iyon tinawag ni Ramon na hidden paradise.
Naunang bumaba ng kabayo si Ramon, pagkatapos ay inalalayan siya nito. He is a true gentleman. Ngayon lang niya nakita ang ganoong side ni Ramon. Palagi kasi itong ilang sa mga tao sa mansion noong ang mga magulang pa nito ang amo niya. Hindi niya nga ma-imagine kung paano ito humaharap sa mga pasyente nito e, lalo na at mukha itong anti-social na tao.
"So anong masasabi mo?" tanong nito pagkabitaw sa kaniya.
"Ang ganda..." Tumingin siya kay Ramon nang may ngiti sa kaniyang labi.
"Actually this is my favorite spot here in Hacienda Herrera. Kaya nga hindi ako pumayag na makasama ito sa binili ng lalaking iyon e. I can't let this true beauty go to the hands of other." Hinubad nito ang suot na bota at dahan-dahang lumakad palapit sa lawa. Nang masayaran ng tubig ang mga binti nito ay bahagya itong yumuko at hinugasan ang mga paa. Tapos tumingin ito sa kaniya at sinenyasan siya na samahan niya ito.
Hinubad din ni Kate ang sandals niya at lumakad palapit dito. "If you don't mind me asking, bakit? Bakit ninyo ba ibinenta ang ilang bahagi ng hacienda?"
"Honestly, I don't know to my parents. Although I respect their decisions ay hindi ako agree sa ginawa nila. But this is thier property so wala akong magagawa sa gusto nilang gawin dito. And besides, sa dami ng properties nila ay baka nahirapan narin silang mag maintenance. You know, their both old tapos dalawa nalang sila sa mansion kaya nalalakihan na siguro sila doon." He laughed.
Pagkalublob niya sa lawa ay winisikan niya ng tubig ang tumatawang si Ramon na ikinasimangot naman nito.
"Opsss..." Takip-bibig niyang sabi.
Napailing-iling ang binata at ginantihan siya ng pagsasaboy nang tubig. Hindi naman napatalo si Kate, muli itong sumandok ng tubig gamit ang kamay at paulit-ulit na winisikan ang nasa harap niyang lalaki. For almost a minute ay nagmukha silang mga bata na nakatakas sa mga magulang at naglalaro ng tubig kahit pinagbabawalan.
She felt freed from her exhausted mind. Lahat parang biglang naglaho. Tanging umaalingawngaw lang sa paligid ay ang malalakas nilang pagtawa.
"You know I like you."
Halos masamid si Kate dahil sa sinabi nito. Agad siyang napatigil sa ginagawa at naiilang na ngumiti. "You like me?"
"No, I mean yes pero it's just like, I like to be your friend."
"Ow... Friends lang pala e." Iniunat ni Kate ang kamay niya at inaya ang binata para sa isang hand shake na hindi naman nito binigo.
"Friends."
---×××---
"Bakit ang tagal naman niyang makarating?"
He started roaming around the mansion. Pabalik-balik siyang naglalakad na tila nag e-ehersisyo. Hindi mapanatag ang kalooban niya dahil sa ginawa niya kay Kate. He shouldn't let her be alone in that kind of place. Hindi niya mapapatawad ang sarili niya kapag may nangyaring masama dito.
After a minute of thinking this and that ay napagpasyahan niyang balikan si Kate sa pinag-iwanan niya dito. Although he still want to take revenge ay hindi naman niya kayang tanggapin na may masamang mangyari kay Kate nang dahil sa kaniya. He badly want to know if she's ok, and he don't really care about his pride for now.
Naikuyom niya ang kamao niya habang pinapagana ang makina ng kaniyang sasakyan. Sinuntok pa niya ang manibela dahil sa inis niya sa sarili. After seeing Kate, hurt earlier. He is sure that he's really into her. He was all f****d up. Kahit pa gaano siya nasaktan at nasasaktan ay mahal niya parin ito. Hindi niya talaga ito maalis sa sistema niya. Para itong droga na nakahalo na sa dugo niya. Hindi niya alam kung ano ang dapat niyang gawin. Gusto niyang maghigati pero kapag nakikita naman niyang nasasaktan si kate ay parang dinudurog ang puso niya. Nasasaktan siya.
Mabilis niyang minaneho ang kaniyang kotse. Binalikan niya ang lugar kung saan niya iniwanan si Kate pero pagdating niya roon ay wala na doon ang babae. He starting to panic.
"f**k! f**k! f**k!" paulit-ulit niyang minura ang sarili niya. Dahil sa galit ay pinagsusuntok niya ang kotse niya. "Where are you Kate?"
Bahagyang dumugo ang kamao niya na dinikitan ng salamin ng kotse na sinuntok niya pero hindi niya alintana ang sakit na dulot noon. Mas matindi pa kasi ang nararamdaman niya sa dibdib niya. Ngayon lang siya nag-alala ng ganito. His brain is not working well. Masyado siyang apektado sa pagkawala ni Kate na siya rin ang may gawa.
Inilibot niya ang tingin niya sa paligid. He know that he need to focus right now. Kailangan niyang hanapin si Kate so he look for some clues, hanggang sa makita niya ang isang trail ng kung anong klase ng hayop na pumasok sa may kakahuyan. Hindi iyon kayang pasukin ng kotse niya and thingking that Kate might be in trouble, he decide to take a walk towards the trail. Inabot rin siya ng ilang minuto sa ginagawa niyang paglalakad ng may marinig siyang tawanan mula sa kung saan.
Sinundan niya iyon at dinala siya ng mga paa niya sa isang magandang talon. Agad niyang nakita ang babaeng hinahanap niya. Naroon ito at nakaupo sa isang malaking bato na at nakikipagtawanan sa isang lalaki. Agad nagtagis ang bagang niya dahil sa nakita niya. Mabibigat ang mga hakbang na nilapitan niya ang dalawa.
"Winsley?" tinawag ni Kate ang pangalan niya. Agad itong napatayo nang makita siya.
"Let's go," aniya. Nilapitan niya si Kate at hinawakan niya ang braso nito.
He was not surprise nang maramdaman niya ang pagkontra ni Kate sa ginagawa niya. "Ano bang ginagawa mo ha?" asik nito sa kaniya.
"Excuse me pero mukhang ayaw niyang sumama sa iyo, so better leave her alone," singit ng kasama nitong lalaki.
Sinamaan niya ito ng tingin. "You leave her alone! f**k you!" sigaw niya dito. Nagsisimula ng magdilim ang paningin niya. Sinusubukan lang niyang kontrolin ang sarili niya pero gusto na talaga niyang suntukin ang lalaking kasama ni Kate.
"Ano bang problema mo ha?" frustrate na tanong ni Kate.
"Sa mansion na tayo mag-usap. Halika na!" Muli niya itong hinila. This time ay sumama na ito sa kaniya. Kahit tila napipilitan lang ay sinunod na rin siya nito. Siguro dahil ayaw nitong awayin niya ang lalaking kasama nito. Lalo lang tuloy nag-iinit ang dugo niya.
"It's ok Ramon. Magkita nalang ulit tayo some other time," paalam ni Kate sa kasama nito.
"There will be no next time." Matigas niyang sabi sa hinihilang babae.
Nang lingunin siya ni Kate ay gulong-gulo ang mukha nito. There is so much question marks written all over her face. "Ano ba kasing ginagawa mo Winsley?"
He continued pulling her. Nanatili siyang tahimik hanggang sa marating na nila ang kotse na iniwanan niya. Doon niya ito binitawan.
"Sakay," utos niya.
Nag cross arm naman si Kate. "No!"
"Sabing sakay e." Frustration filled his face. Nagsisimula na siyang makaramdam ng galit. Hindi sa kaniya pero dahil sa ginagawa niya. Naiinis siya dahil hindi na niya ito mapasunod katulad noon.
"Baliw ka ba? Pagkatapos nang ginawa mo ang akala mo ba ay mapapasakay mo ulit ako diyan sa sasakyan mo ha?" sigaw ni Kate. Tatalikuran sana siya nito pero mabilis niyang hinablot ang kamay nito at pinigilan.
"Let's talk please."
Tila natigilan naman si Kate. Nagpakawala ito ng malalim na buntong-hininga at tumingin sa kaniya. "Ok, let's talk."
Kusa na itong pumasok sa sasakyan. Kahit naiilang parin ito ay kalmado itong naupo sa tabi ni Winsley ay humalikipkip sa upuan. Nang hawakan ni Winsley ang manibela ay nakita nito ang dumudugong kamay niya na agad nitong hinawakan.
"May sugat ka." May pag-aalala nitong tinitigan si Winsley.
"It's nothing." Mabilis niya namang hinila ang kamay niya at sinimulan nang paganahin ang makina ng sasakyan. "Let's go..."