Dahan-dahang nagsilaglagan ang kaniyang mga luha nang may mag-abot sa kaniya ng isang bugkos ng kulay pink na bulaklak at nagpatong sa kaniyang ulo ng maliit na koronang gawa rin sa bulaklak. Mukha na siyang diwata ng kagubatan. Isang diwata na nangingislap ang mga mata dahil sa tuwa. Walang mapaglagyan ang kaniyang kaligayahan. Sobrang bilis lang ng mga pangyayari pero sapat na para tumatak iyon sa isipan niya. Pumailanlang sa paligid ang kantang Beautiful In White, hudyat na magsisimula na ang seremonya ng kasal. Ikakasal na siya. Ang akala niya ay mag po-proposed lang si Winsley sa kaniya pero laking gulat niya nang may dumating at nagpakilalang judge. Doon na sinabi ni Winsley na ngayon din ay pakakasalan na siya nito. Nagulat man ay sumang-ayon siya sa gusto nito. Dalawang batang b

