"Sorry po. Hindi ko naman gustong mang blackmail e. Kailangan ko lang po talaga ng pera. Parang-awa 'nyo na po. Huwag mo ninyo akong papatayin. Maawa po kayo." Kanina pa nakaluhod ang nagmamakaawang binatilyo. Pinaghalong sipon at luha na ang tumatabon sa mukha nito. Wala pa man silang ginagawa dito ay ang dami dami na nitong sinabi. Puro paghingi ng paumanhin at pagmamakaawa ang naririnig ng magkapatid mula dito na siya namang hindi inaasahan ng dalawa. "Sigurado ka bang ito lang ang kopya mo ng video ha?" Itinaas ni Zygfryd ang hawak na cellphone ng binatilyo at winagayway sa harap nito. "Opo. Boss, iyan lang talaga. Mahirap lang po ako kaya hindi ko kayang gumawa ng maraming kopya niyan." "Paano namin malalaman na nagsasabi ka ng totoo? Ha? Hindi ka naman namin kilala kaya paano k

