"Alam mo ba na brokenhearted ako ngayon ha?" Kinuweluyuhan niya ang lalaking kausap niya at sinamaan ng tingin. Kanina pa niya sinusundan ang lalaki kaya medyo naiinis na siya dahil nagsisimula ng kumalam ang sikmura niya. Ilang araw na siyang walang matinong kain, simula nang maghiwalay ang mga landas nila ni Adity at ngayon lang siya nakaramdam ng gutom kaya naiinip na siya sa ginagawa niyang pagsunod dito. Kung hindi nga lang mahalaga sa kaniya ang kapatid niya ay baka kanina niya pa ito nilibuyan at babalikan nalang sa ibang araw. Pero dahil gusto na niyang matapos na ang trabaho niya at tuluyan ng makapag pahinga ay kailangan niya na iyong gawin, ngayon mismo. "Ano bang pakialam ko sa problema mo ha? Bitiwan mo nga ako. Siraulo!" asik na sigaw naman sa kaniya ng lalaki. Sinubukan n

