♥RIANE♥ Nagising si Riane sa tunog ng cellphone, hindi pa rin niya idinilat ang mga mata niya dahil pakiramdam niya ay makakatulog pa ulit siya. Hindi na rin siya nagtaka kung nasaan siya. Sa amoy pa lang ng after-shave ng boyfriend niya alam niyang nasa kuwarto siya nito. "Sky?" Doon siya napadilat at pinagmasdan ang likod ni Thunder. Pakiramdam niya may kung anong pumipiga sa puso niya marinig niya pa lang ang pangalan na Sky mula sa mismong bibig ni Thunder. Mas lalo pang tumindi ang sakit sa puso niya nang maalala ang lahat nang sinabi sa kanya ng doktor. Namalayan niyang pumapatak ang mga luha mula sa mga mata niya. Nasa ganoon siyang tagpo nang lumingon ang lalaki sa kanya. "Mine..." Mabilis itong nakalapit sa kanya at niyakap siya nang mahigpit. "I-I'm sorry...ssshhh, don't c

