ZONE 32

1883 Words

♥RIANE♥ “ANG panget mo pa rin pala kapag umiiyak.” Saad sa kanya ni Kiefer na naiinis niya namang hinampas sa braso. Masyadong mapaglaro ang tadhana, akalain niya ba naman na ‘yung dating iniiyakan niya ng bongga ay ang taong dadamay at magpapatahan sa kanya ngayon? Hindi kailanman pumasok sa isip niya na muli niya ulit makakasama si Kiefer. Kasabay ng paghihiwalay nila ay ang pagkawala ng best friend niya. Nakakamiss pala ang lalaking ‘to. Naalala niya na ito ang kausap niya sa tuwing nalulungkot siya sa sitwasyon ng pamilya nila. Ito ang dumadamay sa kanya sa tuwing nasasaktan siya. Sa tuwing umiiyak siya, ito ang nagpupunas ng luha niya. “Ano? Masyado ka na bang naguwapuhan sa akin?” saad nito nang pinakatitigan niya ang mukha nito. “Namiss kita Kiefer. Namiss ko ang best friend ko

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD