Chapter 1
All about him
"Pres, I have the list of transferees for this school year," inabot sa akin ni Mia ang isang bond paper. Narito kami sa room ng SC or Student Council ngayon. Agad kong tiningnan ang mga pangalan ng mga estudyante na bago rito. Mia is our secretary in the Student Council. Isa sa mga gusto namin itong gawin na siya rin naman na ni-request ng ibang teachers, ang gabayan ang mga bago. Dahil minsan ay may mga na-bully, at pilit pa rin namin inaalis iyon sa paaralan na ito. Minsan naman, mayroong mga estudyante na naliligaw daw sa laki ng school at maling section pa ang mapapasukan.
"Thanks, Mia!" Ani ko at inayos ang mga papel sa aming lamesa.
"What are the events we should prepare for?" Brent asked, our Vice President.
"Margel's idea," ani Jerome, the Treasurer.
"Uhm, yeah," ani ko at naalala ang plano ko nga palang iyon, "I want to have a Welcoming event to every student, lalo na sa mga baguhan, kahit mga booths lang bawat section," pahayag ko.
Tumango si Brent sa akin.
"But isn't it too early for that?" Marchelle asked the Auditor.
"Well, I'm planning to do it next week, ilang linggo naman na ang nagdaan simula nang mag pasukan," pahayag ko at ngumiti.
"Sounds good, sigurado ako na may mga hahabol pa na bagong estudyante," dagdag ni Brent.
"Mia, prepare a letter, we have to pass it to the Principal para habang maaga ay ma-inform na rin ang mga advisers, " pahayag ko at agad naman na nilista ni Mia ang mga gagawin niya sa maliit niyang notebook.
"I'm sure na tayo ang pupunta sa bawat room," Eleanor said, our PRO.
Nagkibit balikat ako at mahinang tumawa.
"I heard there's a lot of essays in grade 12 sa HUMSS?" Pag-iiba ng usapan ni Drake, ang isa pa naming PRO.
"Yeah, that's what they said," sagot ni Brent na kaklase ko.
"Marami naman talagang essay sa HUMSS, mas marami lang siguro this year," dagdag ko. Noong nakaraan kasi ay sakto lang. Pero ang sabi ng former student councils na HUMSS ay mas marami raw ang essay ngayong grade 12. Isang taon na lang, at kolehiyo na ako.
"Worry to your strand," natatawang saad ni Mia kay Drake.
"Yeah, there's a lot of Mathematics to STEM, kabaligtaran naming HUMSS na walang Math this year," pahayag ko habang nililigpit na ang mga papel at folder.
"Simula nang pinasok ko ang STEM, matagal na kong nangangamba," ani Drake at umiling. Pero ang totoo naman ay magaling siya sa Math. Siya ang panlaban palagi ng school sa quiz bee sa Math habang ako ay sa English lagi nilalaban at si Brent naman ay sa Filipino.
"Okay, that's all for today!" Agad na akong tumayo at kinuha ang bag ko pati na ang ibang libro ko na dala, "I'll inform you guys kapag may changes, Mia, paki handa agad ang letter and sa isang na tayo ulit mag meeting, same time!" ani ko at inayos na ang inupuan ko.
"Yes, Pres!" Ani Mia at sumaludo pa. Natatawa na lang ako na umiling sa kanya.
"I'll go ahead too," ani Brent at kinuha na ang bag niya.
"Bye, love birds!" Pang-aasar ni Eleanor. Agad akong umiling sa kanila. Kahit kailan talaga ay hindi na nila kami tinigilan ni Brent. Pero sa totoo lang ay magkaibigan lang kami. Mula grade 7 kasi ay dito na ako nag-aaral, ganun din naman ang mga pinsan ko at si Brent na simula grade 7 din ay kaklase ko na. We've known each other for so long already.
"Here you go again," ani ko at umiling na lang. Sabay kaming lumabas ni Brent. Vacant namin ngayon dahil wala ang ilang teachers dahil may seminar.
"Ihaw ihaw tayo, " ani Brent at hinila pa ang dulo ng blouse ko.
"Let's go," ani ko at malakas na tumawa. Tuwing vacant kami ay sa labas kami nag me-meryenda sa halip na sa canteen. Mas gusto kasi namin ang street food sa labas kaysa sa pagkain na nasa canteen. Kahit tanghalian nga ay sa labas kami kumakain. Mayroon kasing malapit na karinderya sa labas ng school. Mula grade 7 ay suki na kami ng tindera.
"MARGEL!" Agad namin nilingon si Gale na mabilis na tumatakbo at pumagitna sa amin ni Brent. Hinabol nito ang kanyang hininga at mukha talagang hinihingal.
"You're really loud," ngumiwi si Brent at umiling. Katulad ni Brent, kaibigan na rin namin si Gale mula grade 7. Pabago-bago ang section niya. Minsan nasa section 1 minsan naman ay nasa section 2. Paano ba naman kasi ay madalas siyang ma-distract at tamad mag-aral kahit na ang totoo naman ay matalino siya.
"What is it again, Gale?" Tanong ko.
"Do you have the list of transferees?" Tanong niya with matching nagniningning na mga mata. Malakas na tumawa si Brent at mukhang inaasahan na iyon.
"Bakit? Lumipat na ba ang crush mo sa kabilang school?" Brent asked, pagkatapos ay kiniliti pa ito sa kanyang baywang.
"Stop it!" Inis na saad ni Gale at pinalo ang kamay ni Brent, "But he's right," ani Gale at ngumiti ng malawak sa akin.
"Yeah, I have it," ani ko at agad siyang nagtatalon sa tuwa.
"Is he here? Ano'ng section? Ang alam ko HUMSS din siya! Kaklase ba natin?" Nagkatinginan kami ni Brent at sabay na umiling matapos niya akong paulanan ng sunod sunod na tanong. Since grade 9, crush niya na iyon. Kumakain kami sa may ihaw ihaw nang makita niya si Hezekiah. Yeah, his name is Hezekiah Villaridaz, kapatid ni Drake, ang PRO namin. Hiwalay sila ng school dahil sa ayaw ni Hezekiah sa private at gusto raw sa public school. He's a varsity player in volleyball. Well, pareho sila ni Drake na magaling sa volleyball.
"Section 2, puno na tayo sa section 1 kaya walang choice at doon siya inilagay, his grades is quite amazing," pahayag ko. I've seen his grades, mataas at line of 9 lahat.
"What do you expect? Drake is also intelligent," pahayag naman ni Brent.
"It's okay, at least katabi ng room natin!" Mariin akong pumikit nang hampas-hampasin na naman niya ako sa aking braso. Here she goes again, she's doing it again. Ganito talaga siya kapag kinikilig.
"You should treat us dahil diyan!" Ani Brent at tumaas-taas ang kilay kay Gale. Inuuto na naman niya ito. Dahil kapag good mood siya tungkol sa crush niya ay nanlilibre siya agad.
"Let's go!" Aniya at hinila kami ni Brent. Malakas akong tumawa nang hindi nga ako nagkamali habang si Brent ay tuwang-tuwa na naman.
Nang makarating kami sa ihawan ay sunod sunod na ang kain namin. Ang paborito ko talaga ay isaw, kahit isaw baboy o isaw manok pati na rin dugo at iyong balingit nilang tinatawag.
"Here," ani Brent at nilagyan ang cup ko na may suka at sauce ng tatlong isaw ulit.
"Mga patay gutom talaga kayo, paubos na yung tinda!" Ani Gale at tinuro ang lalagyan na halos paubos na.
"Next treat is on me," ani ko at tinapik siya.
"Kapag kami lang ni Gale ang tipid, makatarungan, Brent!" Singhal niya kay Brent, "Pero kapag kasama ka, hindi makatarungan!" hinampas nito si Brent na tumatawa lang at patuloy pa rin ang paglalagay ng mga iihawin pa.
"Hayaan mo na, malay mo kasama na natin si Hezekiah sa susunod," nawala ang inis ni Gale at tila ba ay lumambot agad narinig lang ang pangalan ni Hezekiah.
"Marupok ka talaga," ani ko at umiling bago hinigop ang suka na maanghang.
"Kay Hezekiah lang!" Aniya at nag flip hair pa, "What about the boy you met before?" Nanukso agad ang mga mata ni Gale. Nahinto agad ako at naalala ko na nabanggit ko nga pala iyon sa kanila dati. I haven't told them about it yet. Pero araw araw yata ay kinukulit ako ni Gale.
"Tell us about him!" Aniya, at hinampas ako ulit.
"Oh, I remember that," ani Brent at tumawa.
"Come on!" Ani Gale at niyugyog pa ako.
Bumuga ako ng hangin.
"Fine!" Ani ko at napilitan na.
"Mama, maglalaro ako kila Audrey," paalam ko sa kanya habang kumakain kami ng almusal at nakabihis na sila para sa trabaho nila. Secretary si Mama sa isang kompanya at si Papa ay isang Manager naman sa isang restaurant. Simple lang ang buhay namin pero sapat na naman ang kita nila para ibigay lahat ng pangangailangan ko. Isa pa, palagi akong kontento, dahil lagi nila akong nilalaanan ng oras.
"Sige, doon ka naman talaga muna," ani Mama. Araw araw ay kay Tita Lizea ako iniiwan nila Mama. Si Tito ay nagtatrabaho rin at sila Tita Lizea saka ang mga pinsan ko lang ang naiwan sa kanila. Kapitbahay lang naman namin sila kaya walang problema.
"Again, don't be a burden to your Aunt," paalala ni Papa. Ngumiti ako at tumango.
"Are you done?" Tanong ni Mama nang iayos ko na ang pinagkainan ko at ininom ang gatas.
"Opo, mauna na po ako kila Tita!" Excited kong saad. Mahina siyang tumawa at pinunasan ang aking bibig.
"Okay, tingnan mo ang daan ha? Remember what I told you," pahayag niya at sinapian ako ng bimpo sa likod.
"Yes po, bye!" Hinalikan ko sila sa kanilang mga pisngi bago ako tumakbo palabas ng bahay dala ang barbie ko at iba pang laruan. Nakangiti ako ng malawak nang buksan ko ang gate nila Audrey. Medyo sikat ang araw ngayon kaya barbie na lang ang lalaruin namin.
"Tita Lizea!" Ani ko nang makita ko siya na nagdidilig ng mga halaman sa labas.
"Oh, Margel!" Nakangiti niyang tawag nang makita ako, "Pumasok ka sa loob, kanina ka pa hinihintay ni Audrey, may meryenda na kayo diyan!" Aniya at nagpatuloy sa pagdidilig.
"Salamat po!" Masigla kong saad at dire-diretso ng pumasok sa loob ng bahay nila.
"Margel!" Tawag ni Audrey na may hawak na agad na cookies at dala ang barbie, "Tikman mo, bake ito ni Mommy!" bago pa ako makapagsalita ay sinubuan niya na ako ng cookies sa aking bibig. Malakas siyang tumawa sa akin habang ako ay masama lang siyang tiningnan.
"Masarap!" Puri ko nang matikman ang cookies.
"Umalis na sila Tita?" Tanong niya at naupo kami sa sahig at doon naglaro.
"Paalis na," sagot ko at sinuklay ang buhok ng barbie ko.
"Hi, ate!" May dala dala pa na dede na saad ni Adrianna.
"Hello, Adrianna!" Ani ko at hinalikan siya sa kanyang pisngi. Bumusangot siya at agad na pinahid ang pisngi niya. Malakas kaming tumawa ni Audrey dahil simula talaga dati pa ay ayaw niya ng hinahalikan siya.
"Adrianna, takpan mo ang dede mo," ani Audrey at inabot ang takip ng dede kay Adrianna.
"Nanood ka ng wansapanataym kagabi?" Tanong ni Audrey. Ngumiti ako at tumango.
"Oo! Kaya kakain ako lagi ng gulay!" Pahayag ko matapos ko mapanood ang bata na ayaw kumain ng gulay.
"Ako rin! Kakainin ko na ang ampalaya kahit na ang pait!" Aniya at ngumiwi.
"Tama 'yan!" Masaya kong saad.
"Mga bata, iligpit niyo muna iyan!" Nilingon namin si Tita Lizea na agad kinuha ang iba namin na kalat, "Nariyan ang Tito at Tita mo, pati ang pinsan niyo!" Aniya kila Audrey at Adrinna. Kunot noo lang akong naupo sa sofa.
"Tita!" Agad silang tumakbo sa isang babae at lalake na kaedad nila Tita Lizea. She's wearing a nude dress at ang lalaki ay naka polo pa. Itsura pa lang nila ay mukha na silang mayaman. Maganda ang babae at maputi katulad ni Mama. Ang mga mata niya rin ay kulay brown na akala mo ay foreigner.
"Hello, kids!" Bati nila kila Audrey at Adrianna.
"Ang laki na ng batang ito ah?" Ani Tita Lizea sa isang batang lalaki na sumulpot sa tabi ng babae. Tumingin ito sa aking gawi, kaya nanlaki ang mga mata ko dahil hindi ko inaasahan ang pagtingin niya sa akin. Agad siyang kumaway at ngumiti sa akin. Maputi rin siya at brown din ang mga mata.
"Ah, eto nga pala si Margel, anak ng kapatid ng asawa ko," agad na ngumiti sa akin ang dalawang babae at lalaki na magulang ng lalaking bata.
"Hello, I'm Margel!" Magalang kong saad at bahagyang kumaway ng nakangiti.
"You're so beautiful, Margel!" Puri ng babae at hinawakan ng marahan ang aking pisngi.
"Thank you po!" Ani ko.
"This kid looks smart," ani ng lalaki.
"Opo, Tito! Lagi po siyang top 1!" Pagmamalaki ni Audrey sa akin at ngumiti.
"Matalino rin po sila!" Ani ko at ipinagmamalaki ang mga pinsan ko.
"Pagpasensyahan niyo na, makukulit!" Ani Tita Lizea, "Halika muna kayo, naghanda ako ng pagkain,"
Pumunta sila sa kusina at naiwan kaming mga bata sa sala.
"Penge pa po ng cookies!" Mabilis na tumakbo si Audrey sa kusina.
"Hi, I'm Cades and I'm from Canada," bumilog ang aking bibig. Kaya pala ganito siya kaputi at gwapo!
Malawak akong ngumiti at tinanggap ang kamay niyang nakalahad sa akin.
"Hello, I'm Margel!"
"Hezekiah has brown eyes, too!" Pahayag ni Gale habang naglalakad kami pabalik ng school.
"Puro ka naman Hezekiah, eh!" Inis na saad ni Brent.
"So, you met at Audrey's house?" Tanong ulit ni Gale. I nodded, matapos kong ikwento ang araw na nakilala ko si Cades.
"Yeah," ani ko at bumuga ng hangin.
"So, how about now?" Tanong niya ulit at tiningnan ako.
"I don't know, he's still crossing my mind sometimes, pero malabo naman ng magtagpo kaming ulit," pahayag ko, at tipid na ngumiti.
Sa totoo lang, hindi lang minsan. He always crossed my mind, and I wonder if I crossed his mind too, o baka ako lang naman ang nakakaalala ng mga iyon. We were young that time, malabo na naaalala niya pa iyon.
My mind is always full of him, kahit na may galit ako at pangamba. He's in my mind rent-free.
All I think is all about him, hanggang ngayon.
clarixass