SIYA? Give up? No way! Naghahanap lang siya ng tiyempo. Gusto niya rin bigyan si Tamara ng panahon na ma analyze ang damdamin nito para sa kanya. Iniisip niya rin kasing masyado niya itong nabigla sa pagbabalik niya. Pero hindi niya ito susukuan. Gumagawa lang siya ng ibang paraan na makuha itong muli. Pagseselosin niya ito gamit ang matalik nitong kaibigan na si Katrina. Makakaganti na siya kay Bryan mapapagselos niya pa si Tamara. "For you," inilapag ni Nathan ang isang long stemmed red rose sa counter ng nurse station sa harap ni Katrina. "Kayo pala doc Nathan," nakangiting bati ni Katrina. "Sa akin po ito doc?" may pagkabigla na tanong niya pa at kinuha ang bulaklak. "Yap. Napadaan kasi ako kanina sa isang flower shop. This flower looks beautiful kaya naingganyo akong bumili," sago

