MATAAS na ang araw ngunit gising na gising parin si Tamara. Wala pa siyang tulog at nilulunod ang sarili sa pag-iyak. Gulong-gulo ang isip. Lalong magulo ang puso. Dapat masaya siya ngayon. Mahal daw siya ni Nathan at wala naman pala itong asawa katulad ng inakala niya. Ngunit hindi niya magawang magsaya. May boyfriend siya at ang pagbibigay ng sarili niya kay Nathan kagabi ay isang malaking pagkakamali. Hindi siya dapat nadarang sa init ng katawan. Tatlong araw niya palang na boyfriend si Marcus ngunit nagtaksil na siya rito. Anong klase siyang tao? Anong klase siyang babae na bigla nalang bumukaka para sa ibang lalaki gayong hindi naman ito ang boyfriend niya. Paano na si Marcus na wala naman ginagawang masama sa kanya? He's a good person at hindi nito deserved ang nagawa niyang pagt

