GULAT si Tamara. Galit talaga si Nathan. Namumula ang pisngi nito sa galit. Something na malayo sa Nathan na kilala ng lahat. Si Nathan na laging nakangiti sa lahat. Si Nathan na kapag lumabas na ang dimples sa pisngi ay marami na agad ang mga babaeng willing maghubad ng panty. Sa itsura nito ngayon siguradong tatakbuhan ito ng mga babaeng patay na patay dito sa takot sa anyo nito ngayon. Kinakabahan man ay lakas loob na hinarap niya ito. "Ako?" turo niya sa sarili. "Susugod ka dito ng hating-gabi para lang sabihin na ako ang problema mo? Bakit, ano bang nagawa ko? May mali ba akong nagawang trabaho sa clinic? Ginawa ko naman ng tama iyong mga binilin mo a." "s**t,Tamara! s**t, s**t, s**t! Paano mong malalaman ang problema ko at ang nararamdaman ko kung puro pag-iwas at pagmamaang-maanga

