HINDI inaasahan ni Tamara ang panauhing napagbuksan niya ng pinto. Sa gulat niya ay mabilis niya iyong isinara ulit. Kumatok naman ulit ang panauhin na nasa labas ng pinto. Napapikit si Tamara. Hinawakan ng isang kamay ang tapat ng puso niya na akala mo ay mapipigil niyon ang mabilis na pagtibok nito. Ilang segundong pinakalma ang sarili tsaka nagdesisyon na pagbuksan ulit ang makulit na unwanted visitor niya. Mukhang wala kasi itong plano na huminto sa pagkatok. "H-Hi," nag-aalangang bati ni Nathan. Bahagyang tumango si Tamara. "K-Kung si kuya Bryan ang kailangan mo kaaalis lang," aniya na mahigpit ang hawak sa door knob na animo doon umaamot ng lakas. "Dinala ko ang mga pasalubong ko sa inyo," ani Nathan. Bahagyang itinaas ang hawak na dalawang paper bag. Nakatingin lang doon si Ta

