ALALANG-ALALA si Katrina sa matalik na kaibigan. Wala itong tigil sa pag-iyak. Hindi na nga ito nakakain ng tanghalian hindi parin ito kumakain ng hapunan. "Bes, tama na! Makakalimutan mo rin siya," pag-aalo ni Katrina sa matalik na kaibigan. "Bakit niya nagawa sa akin 'to, bes? Sabi niya mahal niya ako. Bakit ganito? Bakit nagpakasal siya sa iba ng hindi manlang sinasabi sa akin? Ang sama niya! Pinaasa niya lang pala ako sa wala. Bakit siya ganoon?" patuloy na pag-iyak ni Tamara. Hindi naman alam ni Katrina kung paano aaluin ang matalik na kaibigan. Hindi niya alam kung ano ang sasabihin para mabawasan ang sakit na nararamdaman nito ngayon. "Forget him, bes! Sayang lang ang mga luha mo. Wala rin naman mababago kung magpapakalunod ka sa pag-iyak." "Ayaw kasing humintong umagos ng putc

