Chapter 5

1100 Words
ISANG hapon habang sinusundo si Tamara ni Nathan ay nakita ito ng kaklase niyang si Vivian habang magkasabay silang naglalakad palabas ng gate ng eskwelahan.  ''Wow. Ang pogi naman ng sundo mo, Tam.''  ''Matalik na kaibigan yan ni kuya Bryan,' sagot niya dito. ' ''Iyan ba iyong isa sa miyembro ng sinasabi nilang The San Martin Romeo?'' ''Oo at mas lalo pang nagiging mga babaero ngayon kaya huwag mo nang pangarapin at baka matikman ka lang at iiwanan kang luhaan pagkatapos,'' pang di-discourage ni Tamara. Para kasing may nakikita siyang interes sa boses ng kaibigan sa sundo niya. ''Okay lang basta matitikman ko siya. Hindi ko lang siya titikman kakainin ko pa siya ng buhay," malanding turan ni Vivian na nagpagsimangot kay Tamara.  Alam niyang may pagka-kiri ang kaibigan niya. Matanda ito sa kanya ng dalawang taon at disi-otso na ito at Senior high school palang. Galing ito sa Manila at dalawang taon nahinto sa pag-aaral dahil laging nababarkada kaya inuwi ng magulang sa probinsya. Maganda ito at napaka sexy kaya nga maraming nahuhumaling dito na mga kalalakihan sa eskwelahan nila. ''Kakainin talaga ate Vivian?" Parang ngayon palang ay naiinis na siya sa kakirian nito. ''Hindi kasi ako nakukuntento kung hindi ko kakainin!'' Parang nagnining-ning pa ang mga mata nito habang titig na titig kay Nathan at papalapit sila sa kinaroroonan ng binata. Parang may ideya na si Tamara kung ano ang ibig sabihin nito dahil nga sa tagpong nakita niya sa condo ni Nathan noong nakaraan. Naisip niya ay ganoon din siguro ang ibig sabihin ni Vivian sa sinabi nito.  ''Yuck ate Vivian kadiri naman iyang pinagsasabi mo!'' bulalas ni Tamara. ''Hindi kadiri iyon Tam... Kapag na-try mo magugustuhan mo rin iyon! It’s just part of s*x and love making. Kung gusto mong paligayahin ang lover mo, iyon ang isa sa bagay na pinakagusto nilla," wika ni Vivian na animo nagtuturo ng s*x education sa nakababatang kaklase. ''Halika ipakilalala mo ako kay mamang pogi.”  Hinila nito si Tamara sa kamay at nagmamadaling naglakad papunta sa binatang nakasandal sa hood ng kotse at may kinakalikot ata sa cellphone dahil hindi nito napapansin na papalapit na sila Tamara. ''Hi handsome!'' bati ni Vivian kay Nathan ng makalapit na sila at mapang-akit ang ibinigay na ngiti sa binata. Ibinulsa ni Nathan ang cellphone at gumanti ng ngiti sa dalaga. ''Hello Miss beautiful!'' Ganting bati nito kay Vivian. ''Buti naman at on time ka little sweetheart akala ko ay ihahanda ko na ang sinturon ko.'' Bati naman nito kay Tamara at walang pakialam kahit naririnig ni Vivian. Irap lang ang itinigon dito ni Tamara. '' Hi, I'm Vivian kaklase ni Tamara,'' singit ni Vivian sa usapan siguro ay nakaramdam ito na walang balak si Tamara na ipakilala ito kay Nathan. ''I'm Nathan. How come at hindi pa yata kita nakita noon?'' ''Transferee kasi ako at sa Manila talaga ako dati.'' ''Kaya pala dahil sa ganda mong iyan ay imposibleng hindi kita mapansin.'' Napasimangot naman lalo si Tamara. Mukhang naakit din ni ate Vivian niya ang hudyong si Nathan at nakalimutan yatang naroroon din siya. ''Pwede bang makisabay? Kung okay lang naman!" si Vivian. ''Eh diba ate Vivian sa kabilang side ang papunta sa inyo?" wika ni Tamara. Matamis parin ang ngiti ni Vivian na nilingon siya. ''Pupunta kasi ako sa city at may bibilhin.'' Halata ni Tamara na nagkukunwari lang ito at wala naman talaga itong bibilhin sa city at gusto lang magpalusot. ''Sure sabay kana sa amin at nasa city rin naman ang condo ko at pauwi na rin ako,'' sagot ni Nathan at parang gustong-gusto naman nito ang nangyayari pagpapakita ni Vivian ng interes sa kanya. Pagbukas ni Nathan ng passenger seat ay inunahan siya ni Vivian na sumakay doon kaya wala siyang choice kundi sa likod nalang sumakay. Habang daan ay masayang nagbobolahan ang dalawa at pakiramdam ni Tamara ay parang wala siya doon. Minsan pa nga ay parang nang- aakit si ate Vivian at kunwari ay pinapalo nito sa legs si Nathan kapag may sinasabi itong parang nakakatuwa para dito. Bwesit na bwesit si Tamara kaya ng pumara ang kotse sa harap ng gate ng bahay nila ay walang sabi-sabing lumabas siya ng kotse at hindi manlang nagpaalam sa dalawa at hindi manlang lumingon ng sabihin ni Nathan na huwag kakalimutan na e-set ang alarm clock para hindi siya ma-late kinabukasan.   ---   NANG sunduin siya ni Nathan kinabukasan ay wala pa rin sa mood si Tamara. May palagay siya kung ano ang posibleng nangyari kay Nathan at ate Vivian pagkatapos siyang maihatid. ''Bakit hindi nanaman maipinta ang pagmumukha mo?'' tanong sa kanya ni Nathan ng buksan nito ang passenger seat para makasakay siya. ''Pakialam mo ba?'' pagtataray niya dito. ''Woahhh. Dinatnan ka ba ng buwanang dalaw mo at masama ang gising mo?" pambabalewala ni Nathan sa pagtataray niya. Mas lalo namang tiningnan ni Tamara ng masama si Nathan. Kung pwede niya lang itong bugbugin sa sobrang inis niya dito ay kanina niya pa ito binugbog. ''I'm leaving the day after your kuya Bryan is back!'' seryoso ang mukha ni Nathan. Biglang napalingon si Tamara sa binata nagulat siya sa sinabi nito. ''Huh? Saan ka pupunta?'' ''Babalik na ako ng London para ipagpatuloy ang pag-aaral ko.'' Sa daan ang tingin nito at ipinagpasalamat ni Tamara iyon dahil hindi nito makikita ang maluha-luhang mga mata niya. ''B-Bakit biglaan?'' hindi naitago ni Tamara ang paggaralgal ng boses niya kahit anong pigil niya. ''Matagal na akong dapat bumalik sa London, little sweetheart. Ipinagpaliban ko lang ng ilang buwan pero hindi ko na pwedeng ipagpaliban pa ulit iyon dahil hindi na ako papayagan ng mga magulang ko at kung magtatagal ako dito mas lalo lang akong matatagalan na matapos sa pag-aaral.'' ''H-Hanggang kailan ka doon?'' hindi niya gustong mag boses ng isang kasintahan na iiwan ng boyfriend at mangingibang bansa ngunit ganoon lumabas ang tanong sa bibig niya. At least a year or two o baka higit pa.'' ''I see...'' nakatingin lang siya sa labas ng bintana ng kotse baka kasi makita ni Nathan ang maluha-luha niyang mga mata. Wala na rin nagsalita sa kanila hanggang makarating sila sa tapat ng eskwelahan. Tahimik siyang lumabas ng kotse ni Nathan at hindi ito nilingon. Nagsisikip ang dibdib niya sa isipin na matagal na naman niya itong hindi makikita. Nang sa tingin niya ay hindi na siya nakikita ni Nathan ay naupo siya sa isang bench sa may tabing daan at doon niya rin pinakawalan ang mga luhang kanina niya pa pinipigil. Wala siyang pakialam kahit tinitingnan siya ng iba pang mga estudyante na dumadaan at siguro  ay nagtataka kung bakit siya umiiyak.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD