Lumipas pa ang mahabang oras at hinahanap ng doctor ang pamilya ng pasyente at si Catalina ang lumapit at ito ang kinausap. Halos manlumo si Catalina nang sinabi ng doctor na kailangan magpa-chemo ng tiyahin at aabot ng 10,000 per session ang magagastos at hindi niya alam kung saan kukuha ng pera. Ang alam niya ay mahigit 30,000 lang ang pera nila sa bangko at hindi iyon kakasya sa mga gamot at pagkain nila magtiyahin. Kung magtatrabaho din siya ay walang maiiwan sa tita niya lalo pa’t stage 2 na ang cancer nito. Ang sabi ng doctor ay kaya pang matunaw ang bukol sa dibdib ng Tiya Delly kapag nasunod lang ang paggamot dito. “Catalina, baby?” Lumapit agad si Samuel sa nobya nang makalabas ito at iyak lamang ang naisagot ni Catalina sa katanungan ni Samuel. “Shhh, hindi kita iiwan Catali

