MABIBIGAT ang mga hakbang ni Catalina papasok sa ospital na pinagdalhan kay Jorge. Hawak ang mga pinamiling prutas nang sinalubong siya ni Malyn at agad na kinuha ang dala niya at inakay siya sa loob. “Maayos na ang lagay niya, mabuti na lang at nakita ko agad dahil nagdala ako ng bilo-bilo para sana’y makameryenda siya, kaya nagulat na lang ako ng duguan ang pulso niya. Mabuti na lang talaga at may mga tambay kanina kaya nakahingi ako ng tulong para madala dito.” Walang salitang namutawi sa dalaga sa sinabi ni Malyn at nang makaupo siya ay agad siyang napahagolhol sa tabi ng asawa. Doble-doble ang sakit ng kaniyang nararamdaman, naawa siya sa sitwasyon ng asawa at awang-awa rin siya sa sarili. Kung bakit nagkaroon na ito ng diabetes sa edad na 31, napakabata pa ni Jorge at marami pa it
Download by scanning the QR code to get countless free stories and daily updated books


