CHAPTER 1
CHIARA POV
Nandito ako ngayon sa manila dito ako pinatira ni Mama. Sa apartment ng Ate ko nakatira at siya lahat ang nagbabayad sa mga gastusin dito. Nagbibigay naman ako dahil nagtatrabaho ako sa isang bar tuwing sumasapit ang dilim.
Pinili kong magtungo rito sa manila kaysa manatili sa probinsya kung saan tila isa akong basurang Pagkatapos pakinabangan ng mga tao sa paligid ko ay tinatapon na lamang ako. May kaya kasi kami sa buhay noon, no'ng wala pang pamilya si Mama sa Canada. Ang laki ng pinapadala niya noon sa Tita kong nag-aalaga sakin sa probinsya. Ang saklap nga lang nagkapamilya si mama doon sa Canada kaya minsan hindi sumasapat sa perang gustong matanggap ng Tita ko ang ipinapadala ni mama kahit pa sakto pa naman talaga ito.
Noong nasa probinsya ako, wala akong naiipon na pera kahit pa subra-subra ang baon ko. Marami kasi talagang kaibigan noon. Lahat kaya kong ibigay para sa kanila kaya heto, ubos ko.
Pinaluwas ako ni Mama dito kay Ate para magkasama nalang daw kaming magkapatid. Mabilis ko rin namang nakasundo ang Ate ko kahit pa hindi kami lumaki nito sa isang bahay. Matapos ang trabaho ko sa bar pinagtatrabahuhan, nagulat ako ng makita ang Ate ko naghihintay sa labas ng bahay. Nakaupo siya sa isang bangkuan sa tabi mismo ng pinto ng bahay namin. Sa loob ng ilang taon kong paninirahan dito, ngayon ko lang siya nakitang nag-aabang sa labas ng bahay.
"Bakit nasa labas ka, Ate"? Hindi kaba nilalamok riyan?" Tanong ko pa kay Ate Giorgia.
"May kailangan tayong pag-usapan, Chiara." Seryosong aniya saka pumasok sa loob ng bahay.
Hinubad ko muna ang suot kong sapatos at ibinaba ang suot kong bag bago nagtungo sa silid ng Ate ko.
"Sa probinsya kana ulit titira." Salubong niya napatigil sa akin sa pagbukas ng telepono ko.
"H-ha! Bakit, ''Ate? Magbabakasyon kaba sa malayo?" sabi ko dito nagulat.
"Walang bayad sa akin si Mama ngayong buwan." aniya.
"Anong bayad?" sagot ko kay Ate nabigla.
"Binabayaran ako ni Mama simula ng tumira ka dito, Chiara." dagdag pa ni Ate.
"Anong ibig mong sabihin Ate? Na kaya lang ako narito hindi bilang kapatid mo kung hindi isang alaga mo dahil sinuswelduhan ka ng mama natin?" Sabi ko dito na paiyak na.
"Pera, Chiara. Sa pera umiikot ang mundo ng isang tao." aniya
"Seryoso kaba, Ate?" tanong ko dahil may pagkaloka-loka din kasi minsan itong Ate ko.
"Mukha ba akong nagbibiro Lang?" aniya na Hindi maipinta ang mukha.
"Ate naman..." mahinang usal ko.
Paano na ako nito? Dito lang ako naging komportable. Dito ko lang hindi naramdaman na ginamit lang ako ng ng mga tao sa paligid ko pero... Ginamit rin niya pala ako.
"Wala akong magawa, Chiara" may halong lungkot ang boses ni Ate.
"Ako nalang magbabayad sa'yo. Ibibigay ko lahat ng naipon ko sa trabaho. Lahat ng sasahurin ko ibibigay ko iyo, basta huwag mo lang akong paalisin dito." dere-deretrsong wika ko." Magkano ba ang binabayad sa iyo ni Mama? Sabi ko na mahalong lungkot ang boses.
"Twenty five thousand a month." aniya ni Ate.
"Ate naman Hindi ko kaya ' yang ganiyan buwan-buwan. May tuition pa akong babayaran." sagot ko sa kaniya.
"Kaya nga umuwi ka nalang sa probinsya. Maraming public school doon." wika niya.
"M-magtatrabaho ako, Ate, tapos ibibigay ko sa iyo ang sasahurin ko buwan-buwan." ani ko.
"Ang kulit mo, Chiara. Iyang pera mo ngayon l, gamitin mo iyan pamasahe pauwi sa probinsya at gamitin mong panggastos doon." Pagalit na sabi niya.
"Hindi Ate.. Maghahanap pa ako ng ibang trabaho para maresolba ko ang lahat. Mababayaran kita buwan-buwan kaya huwag kang mag-alala." ani ko.
"Ano ba Chaira?!" galit na sigaw ni Ate.
"Ate naman... Ikaw nalang ang meron ako oh, tapos ganito pa. Lahat nalang ng tao, minamahal at sinasamahan ako kasi mayroon ako. Tapos ngayong wala na akong pera, iiwanan nalang ako? Papaalisin nalang ako?" Sabi ko kay ate na umiiyak.
"Pera nga, Chiara, pera. Lahat ng tao kailangan ng pera!." sigaw ni Ate sa akin.
"Pagtatrabahuan ko ang perang ibibigay ko sa iyo, Ate huwag kang mag-alala." Sabi ko saka lumabas na ng kwarto ni Ate.
Imbis na magpahinga, bumalik ako sa bar na pinagtatrabahuhan para makausap ko ang totoong kaibigan ko. Kahit wala akong naibibigay doon, masaya kami.
"Alessia! tawag ko rito.
"Huy! Hindi ka pala umuwi?" tanong niya sa akin.
"Umuwi na kaso may problema e.. Kailangan ko ng pera." sagot ko naman sa kanya.
"Ha? Aanhin mo, ganon kalaking pera?" aniya.
"Basta kailangan ko ng malaking pera buwan-buwan." Sabi ko kay Alessia.
"Gaano ba kalaki?" tanong ni Alessia sa akin.
"Mga 35-40 thousand. Kasama na roon ang tuition fee ay bayarin ko sa school." Sabi ko naman sa kanya.
"H-ha!, Naloloka kana ba? napakalaki no'n, Chiara. Hindi mo makikita iyon sa bar bilang waitress." aniya sa akin.
"Kaya nga patulong. Hindi ba ume-extra ka sa club sa MBC?" tanong ko sa kanya.
"Alam mo kung anong klaseng extra ang ginagawa ko roon, Chiara. Sikreto lang iyon." aniya na maypag-alala.
"Waitress din sana-" pinutul agad niya ang sasabihin ko sana.
"Hindi kakayanin ng schedule mo ang waitress pa sa ibang club, Chiara. Dito pa lang sa bar, ubos na oras mo ." aniya.
"D-dancer... Kumukuha ba sila ng dancer doon?" tanong ko kay Alessia.
"Alam mo naman kung anong ginagawa ng dancer, 'diba, te?. Alam mo kung anong sinusuot nila sa stage." aniya sa akin.
"Papatusin kona lahat. Kapag may nag-offer ng s*x, grab narin -" Sabi ko.
"Loka-loka kana ba?!" hindi na niya napigilan pa at napagtaasan niya ako ng boses. "Wala akong maibibigay na pera sa iyo dahil may anak akong binubuhay sa probinsya Chiara, pero huwag naman ganoong trabaho. Ako na ang nagsasabi sa iyo, mahirap." aniya na may payo sa akin.
"E anong magagawa ko, Alessia? Kailangan na kailangan ko ng pera. Ang gastos dito sa Manila. Buti nga't scholar ako sa University of Russo." Sabi ko kay Alessia.
"Delikado trabaho ang gusto mo, Chiara, kung hindi mo alam. Napaka delikado lahat ng meron ka ngayon, pwedeng mawala. Akala mo yata gano'n-gano'n lang ang trabahong ganoon." aniya niya na may pag-alala.
"Wala akong pake, isusugal ko ang lahat." sagot ko kay Alessia na desperate.
Ang tanga no?. Napaka uhaw ko sa atensyon at pagmamahal ng isang pamilya. Na kakayanin ko ang lahat para lang hindi ko na muling maramdaman ang mag-isa at tila ba isang basura. Kay ate Georgia ko na lamang nararamdaman ang isang pamilya kaya heto, gumawagawa ako ng paraan para maayos ko ang problema intindihin ko siya.
Malay ko ba kung nasabi lang niya iyon o ganito siya umakto sa akin kasi nga kailangan yarin ng pera. Baka namomroblema o kapos sa pera ang Ate ko ngayon kaya dapat lamang na tulungan ko siya. Hindi nga naman ayos na siya ay nagpapakahirap tapos ako, palamunin lang may inabot sa aking papel si Alessia. Nasa papel ang location ng club at may numero pang nakasulat na kung sino.
"Iyan na.." aniya Uutuin ko rin ang tsinong may-ari nitong club para mabigyan ka ng slot sa mga dancer's." Sabi niya sa akin.
"Thank you, Alessia." pasasalamat ko sa kanya.
"Kung gusto mo ng kumita ngayon palang, pumunta ka na diyan. Mag-iingat ka palagi at piliin mo rin kung sino ang aanuhin mo dahil baka mapanakit ang mapunta sa iyo. Malaki kana kaya hindi ko na rin papakialaman pa ang desisyon mo. Pero sana magbago ang isip mo, Chiara. Maraming pwedeng maging trabaho. Ayaw ako namang maranasan ang mga naranasan ko." aniya sa akin na pinapa alalahanan.
"Aalis na ako, Alessia... Salamat ulit." Sabi ko sa kanya.
Kamalas-malasan, bumuhos napala ang ulan sa labas ng bar, buti na lang at may dumaan kaagad na taxi kaya kaagad akong nakasakay at hindi gaanong nabasa. Literal na it's raining in manila' ah. Sinabi ko sa driver kung saan ba ako pupunta para doon ako nito ibaba. Bago ako pumasok sa loob ng club, tinawagan ko muna ang numerong kaibigan ni Alessia.
("Hello?") Sa kabilang linya.
"Hello po... Pasensya na po sa abala ako po iyong kaibigan ni Alessia." Sabi ko sa kabilang linya.
("Oh, okay. Nandito ako sa entrance. Feel free to go inside.") Sabi sa. kabilang linya.
"Sige po, lakad na po ako papunta riyan." sagot ko dito.
Binabaan ako ng kausap bago magpaalam. Sa entrance ko nakita ang babaeng kaibigan ni Alessia na may katandaan na.
"Mag-iingat ka, Chiara." sabi nito matapos naming magpakilala sa isa't isa.
"Salamat po ulit, Madame." pasasalamat ko rito.
"Ferrari, Santoro, Caruso, at Russo. Look for them they are all rich and they like girls like you." Sabi pa niya.
"S-sige po..." sagot ko sa kanyang at nagpaalam.
"Ingat ka kay Russo, malala yon." tila nagbibiro pang aniya bago ako tuluyang iwanan.
Tinignan ko muna ang suot na bistida bago maglakad. Pinagrestroom niya ako kanina para ipahiram 'tong suot kong bestida na kulay silver. Napakababa ng likuran nito kaya lantad nalantad ang likuran ko.
"Hey, Chiara!" gulat ako napalingon sa likod ko ng may tumawag sa sa pangalan ko.I'm not sure but i think she's from Ateneo.
"You already forget me, huh. I'm gwyneth from ADMU." Sabi nito sa akin at nagbeso-beso pa kami.
"May kasama ka ba?." tanong nito sa akin.
"Wala naisip kulang kasi na why not i go here-." sagot rito.
"Come! Sa couch ka nalang muna namin." aniya.
Nandito kami sa couch nila. Some of our co-table are already sleeping because of drunkness.
"Tulog na 'yung iba." aniya tinuro niya ang mga iyon habang sinasabi ang pangalan.
"I'm Alessia's friend." nakakahiya na talaga." Punta muna ako VIP room ng boyfriend ko." malakas na paalam nito, tila pinanaririnig sa mga kasama namin.
"I'will go home na." Sabi no'ng Stefano.
"Dance floor muna ako." Paalam naman no'ng Matteo.
"Yosi muna ako sa labas." Paalam naman no'ng Alessandro.
Ending, naiwan kami nitong mukhang masungit na si Sebastian na ito. Nagce-cellphone ito kaya malaya kong mapagmasdan ang binata infairness, mayaman na pogi.
Ganito ba talaga ang mukha ng taga University of Russo? Saang eskwelahan nga ba siya galing? Malay ko ba kung schoolmates lang pala kami. Sa laki ba naman ng University of Russo, hindi naman kami nagkakakitaan kapwa ko estudyante.
"Want me?" tanong ng lalaking kaharap ko kaya tumingin ako sa paligid pero wala naman akong nakitang posibleng kausap niya. "You staring at me." Sabi niya.
Nakakatunaw naman ang tingin niya.
"Follow me.. if you want to." aniys saka tumayo.
"I am not for free s*x, Mr. Sebastian." lakas loob na wika ko.
"Then I'll gonna pay you." aniya saka kumindat at kinagulat ko. Ano bang gusto mo? Pera lang ba? O king gusto mo, ibahay na kita." aniya.