Next week na ang alis namin papuntang Madrid at excited na akong makita sina Mommy, Daddy at Kuya Thunder. Dapat ay bukas ang alis namin kaso inaayos pa ni Sander ang mga papeles ng dalawang bata. Ano kaya ang mangyayari pag pumunta kami dun ? Matatanggap na kaya nina Daddy ang nangyari at isa pa ay kasama ko si Sander. Baka sampalin kami ni Mommy or worst ay paalisin kami agad. " Babe, baka gabihin ako ng uwi mamaya. " Sabi ni Sander habang nag bibihis. Umupo ako sa kama at tinignan siya. " Bakit ? " " Palagi na akong pinapagalitan dahil maaga raw ako parating umaalis ng office at wala siyang alam kung saan ako pumupunta. " Naka busangot niyang sagot. " Ang sabi ni Cindy ay palagi si Kristine sa office mo. " Sabi ko habang naka taas ang kaliwang kilay. " Hindi ko siya mataboy dahil m

