Maaga akong nagising dahil sa iyak ni Dale. Kinuha ko siya sa crib at tinabi ko siya sa kama dahil pumipikit pa ang mata ko. 4 am pa lang at ang sabi ni Sander hindi na muna ako papasok para bantayan ang kambal. Natahimik rin si Dale at naka tulog sa tabi ko. Wala pang limang minuto si Eulesis naman ang umiyak. Tumayo ako at kinuha siya aa crib. Pina inom ko ng gatas bago tinabi kay Dale. " Ang kulit naman ng mga baby ko. " Nilagyan ko muna ng maraming unan sa gilid ni Eulesis para hindi siya mahulog bago ako nahiga sa tabi ni Dale. Nagising ako dahil sa ingay na nagmumula sa kusina. Pag tingin ko sa orasan six thirty na. Tumayo ako at nilagyan ng unan ang gilid ni Dale bago binuksan ang pintuan. Nakita ko si Nanay Gina at Sander na nagluluto sa kusina. Dumiretso ako sa banyo at nag ay

