"Diba sinabihan na kitang tigilan mo na ako? Alin ba doon sa sinabi ko ang hindi mo maintindihan? You were so proud telling other people how smart you are pero ang mga sinabi ko hindi ma maintindihan?" Maaga pa akong bad trip matapos kong makita ko si Ricky, may balak yatang ihatid ako sa trabaho.
"You're pregnant, Summer at isa pa mag-tataxi ka?" Eh, bobo pala to eh. Kung hindi ako mag tataxi mag je-jeep ako? No way, baka maipit pa ang kambal ko.
"Sakay na kasi ang dami pang satsat." Hinawakan niya ako sa siko at pina-upo sa loob ng kotse niya. Agad din naman siyang pumasok at pinaandar ang sasakyan.
"Last na to, Ricky." Sabi ko pero nagbibingi bingihan ang katabi ko. Hindi na lang ako nagsalita hanggang sa makarating kami sa building ng Saavedra.
"Lunch later." Yun lang ang sinabi niya agad na umalis.
Kainis na Ricky na yun! Panira ng araw.
"Summer aalis muna ako. Kapag tumawag ang apo ko sabihin mong sinira ni Sugar ang phone ko." Sabi niya at agad na lumabas ng opisina. Parang pinagpawisan naman ako sa sinabi niya. Sinong apo? Si Sander ba? Marami naman ang apo niya kaya hindi dapat ako kabahan. Pero paano kapag siya nga ang tumawag? Maririnig ko na naman ang boses niya? Paano kapag malaman niyang ako ang kausap niya?
Muntikan na akong mahulog sa upuan nang biglang mag-ring ang telepono.
Shit!
Nanginginig ang kamay ko habang kinukuha ang telephone. Okay, Summer kaya mo to, wag kang OA dahil maraming apo si Madam.
"Hello." Maayos akong umupo pagkasagot ng tawag.
"Where's Lola? Hindi ko matawagan ang phone niya." Nakahinga ako ng maayos nang marinig ko ang boses ng isang babae. Pinsan siguro ito ni Sander.
Malaki na ang ngiti ko ngayon habang
" Umalis po si Madam kanina lang po at ang sabi po niya nasira po yung phone niya. "
" Ok. " And she ended the call.
" Whoah ! Muntik na ako doon ah ! " Matindi pa rin yung kabog ng puso ko sa takot.
Maka lipas ang dalawang oras may tumawag na naman. Pero this time hindi na ako kinakabahan baka tawag lang to sa ibang department.
" Hello ? " Tamad kung sagot dahil inaantok ako. Kanina ko pa kasi na tapos lahat ng trabaho kaya wala na akong ginagawa.
" Hindi ko ma contact si Lola ? Where's she ? " Parang nabato ako sa kinauupuan ko ng marinig ko ang boses niya. Hindi ko magawang sumagot dahil nanginginig ang kamay ko at grabe ang kabog ng dibdib ko.
" Hello. Ano ba ?! " Sigaw niya sa kabilang linya.
" You know what ? You're wasting my fckn time, stupid ! " And he ended the call.
Tinawag niya akong STUPID ? Aba ! GAGO ka pala Sander eh ! Tangina ! Napapamura ako ng wala sa oras !
Same old Sander.
---
" Ang tigas naman ng ulo mo, Ricky. Diba sinabi ko naman sayo na ayaw kitang makita ?! " Nasa labas kasi siya ng unit ko at may mga pagkaing dala.
Sabado ngayon at nag lilinis lang ako ng kwarto ng biglang may nag doorbell at nasira ang araw ko ng makita si Ricky.
" Ngayong wala akong karibal dapat lubos lubosin ko na. " Mukhang sayang saya naman siya ng hayaan ko siyang pumasok at agad naman niyang nilapag sa mesa ang mga dala niya.
Hmm .. Parang may maganda akong naiisip. Ayaw mo akong tantanan RICKY SANDOVAL ha ! Tignan natin.
" Alam mo Rick parang gusto kung kumain ng apple. " Umupo ako sa couch at tinignan siya ng naka ngisi.
" Ok, meron akong dala dito. " Kinuha niya sa isang plastic bag ang apple ng may naisipan akong maganda.
" Gusto kung hiwain mo na pa heart, ok ? Tapos gusto ko yung super red ang kulay at haluan mo ng green. " Tinignan niya ako ng naka kunot ang noo na para bang imposible ang ipina pagawa ko sa kanya.
" Heart ? Pwede ba yun ? " Takang tanong niya.
" Ayaw mo ? Sige, umuwi kana. " At humikab pa ako habang pinipukit ang mata.
" Ito naman hindi mabiro. Ito na, hihiwain ko na. " Mabilis niyang tugon kaya napa tawa ako ng mahina.
Tignan natin kung hanggang saan yang pasensya mo !
Matapos ng isang oras na pag hihintay binigay niya sa akin ang apple. Ok naman kahit hindi mukhang heart.
" Gusto ko ng mango shake. " Sigaw ko ng uupo na sana siya sa tabi ko.
Agad naman siyang pumunta ng kusina at nag ingay na ang blender. Tss, wag kang mag alala Ricky simula pa lang ito.
" Oh. " Inabot niya sa akin yung shake kaya agad ko naman itong kinuha at ininom.
" Malapit na pa lang mag lunch. Lutuan mo ako ng adobo na may pineapple and patatas. Tinatamad kasi ako. " Tinignan ko ng maigi ang reaksyon niya at natuwa ako ng kumunot ang noo ni Ricky. Alam ko kasing hindi siya marunong mag luto.
" Ok. " Napa buntong hininga siya bago tumayo at pumunta ng kusina.
Naririnig ko na lang na naghihiwa siya at parang nanonood ng video. Baka nag search yun sa YouTube kung panu mag luto ng adobo.
Sinundan ko siya at nag tago malapit sa ref. Tawang tawa ako sa reaksyon niya ng natatalsikan siya ng mantika habang nag gigisa. Nag mumura siya ng mahina at binalot niya ng tissue yung kamay at braso na natatalsikan. Ibang klaseng mag patawa ang isang tao. Baka mapa anak ako nito ng wala sa oras. Ang sakit niya sa tyan !
Umupo ako ulit sa couch at nanood na lang ng tv habang hinihintay na maluto yung ulam. Sana naman mag mukhang ulam ang nilulutong adobo ni Ricky.
Hindi ko namalayan na naka tulog pala ako. Ginising na lang ako ni Ricky ng tapos na siyang mag luto.
" Hanep kang mag luto, Ricky. Dalawang oras tapos adobo lang ang naluto mo ? " Napa iling ako ng napa tingin ako sa wall clock.
" Sorry naman, alam mong hindi ako nag luluto. " Sabi niya at siya na mismo nag lagay ng plato at sa mesa.
Tinignan ko ang kanin at medyo basa ito. Nak nang ! Mukhang lugaw naman ito.
" Sorry. " Yun lang ang na sabi niya ng tignan ko siya ng masama.
Tinikman ko yung adobo. Hmm, ok naman pero hindi masarap, katamtaman lang. Kahit medyo basa yung kanin wala na akong choice kung hindi kainin iyon. Si Ricky naman mukhang gutom na gutom dahil nilantakan agad ang pagkain.
" Ricky, paki linis naman ng CR oh. Maliligo kasi ako tapos medyo madulas yung floor eh. " Agad na napa angat ang tingin niya habang nag huhugas ng pinggan.
Siya na ang pina hugas ko alangan naman na ako ? Buntis kaya ako.
" May magagawa pa ba ako ? " Tanong niya.
Hahaha, natatawa talaga ako sa kanya. Kawawang Ricky oh !
" Thanks, tawagin mo na lang ako sa kwarto ko pag nalinis mo na yung CR. " Pumasok ako sa kwarto at humiga sa kama. Napagod ako sa pag iisip kung panu ko pahihirapan si Ricky. Ano pa ba ang pwede kung ipagawa ?
Kung ako sayo Ricky Sandoval susuko na ako !