IPWMP 13

1754 Words
Sobrang bilis ng oras at ngayon ang kabuwanan ko. Naging maselan ako nitong nakaraang araw kaya nasa kwarto lang ako at nakahiga. Minsan sina Eiffel na ang nag dadala ng pagkain dito sa kwarto at binibisita ako nina Ken, Kyla at Ricky. "Nakakatakot naman yang tyan mo Summer. Mukhang isang pitik ko lang puputok yan." Sabi ni Eiffel habang nanonood kami ng TV. "Grabe ka! Pag ikaw na buntis ma-fefeel mo ang kalagayan ko ngayon." Sobrang bigat ng tyan ko. Hindi kasi ako tumaba di tulad ng ibang buntis. Tanging tyan ko lang raw ang lumaki plus the boobs na nagse-swell. "Sus bata pa ako at kaka-21 ko lang last month." Mas matanda ng apat na buwan kasi si Eiffel sa akin. Sa December pa kasi ang birthday ko. "Birthday pala ni Sander ngayon?" Tanong ni Eiffel habang nakatingin sa phone. "Ha? Ah, oo." September 24 pala ngayon at 22 na siya. Nakalimutan kong birthday niya pala ngayon pero ano naman diba? It's a good thing nga nakalimutan ko, it means na hindi na siya ganun ka importante sa buhay ko.  "Binati mo na ba?" Nang-aasar na naman ang isang to kaya binato ko siya ng unan at tawang-tawa siya habang umiilag. "Tumahimik ka nga." Inirapan ko siya pero tawang tawa parin kaya hinayaan ko na lang siyang mamatay sa kakatwa.  Noon kapag birthday niya palagi ko siyang sinusurpresa. Masaya kami noon kahit cake lang at coke in can ok na basta magkasama lang kami pero ngayon iba na. For sure mag dedate sila ng girlfriend niya sa mamahaling restaurant tapos may lason ang kakainin nila tapos mamatay sila. Joke lang! Ano ba 'yan, Summer! Happy thoughts lang.  Kalbuhin ko pa ang blonde na yun eh! Joke ulit.  "Ay naku mga anak. Wag ninyong tularan ang ama niyo lalo kana Eulesis, wag maging playboy. Dapat gentleman ka dahil iyon ang gusto ng mga babae." Bigla naman silang sumipa kaya napa sigaw ako sa sakit. "ANO!? SAAN MASAKIT? PUMUTOK NA BA?!" Nasa harap ko na ngayon si Eiffel kaya ako naman nagyon ang tumatawa.   "Epic, you should have seen your face! Hahaha huwag ka ngang OA sumipa lang ang mga bata." Agad niya naman akong binatukan kaya mas malakas na yung tawa ko. Kung nakita niyo lang sana ang mukha ng pinsan ko. "Ako pa ang OA eh sumipa lang pala makasigaw ka dyan. Bahala ka na nga dyan." Iniwan niya akong naka busangot at pumunta sa kusina. Tumatawa pa rin ako hanggang sa biglang sumakit ang tiyan ko. Naku! Parang natatae ako. Tumayo ako at pupunta na sana ng banyo ng napa-ihi ako. Shoot! Kahiya hindi na ako naka-abot ng banyo. Hahakbang na sana ako ng sabay kaming napasigaw ni Eiffel. "ANG SAKIT NG TYAN KO!" Sigaw ko. "TANGINA! MANGANGANAK KANA SUMMER!" Sigaw rin ni Eiffel at agad siyang pumasok ng kuwarto nila at lumabas si Jake na mukhang bagong gising. Agad niya akong inalalayan pababa ng building at si Eiffel naman dala-dala ang bag at susi ng kotse ni Jake. Pinagtitinginan na kami ng mga tao dahil naiiyak na ako sa sakit.  "Aww, Eiffel ang sakit." Parang pinagtatadyakan ang tiyan ko sa sobrang sakit.  "Inhale, exhale, Summer." Sabi ni Eiffel habang inaalalayan ako sa back seat. Mabilis rin ang takbo ng sasakyan at alam kong na bigla rin kanina si Jake. Nang nasa hospital kami ay agad naman nila akong ipinasok sa delivery room. Sumama si Eiffel sa loob dahil hindi ko ilalabas ang kambal kapag wala akong kasama sa loob. Ang wala kong kwentang pinsan kinunan pa ako ng video! Sarap lang batukan eh, kainis! Kita naman niyang manganganak na ako nakuha pa akong pag-tripan. Hindi ko na naiintindihan ang mga pinagsasabi ng Doctor. Sobrang sakit na kasi ng tiyan, puson at likod ko. Hindi ko na maintindihan kung saan ang masakit dahil parang buong katawan ko masakit na talaga. "Push." 'yon lamang ang hininhintay kong sasabihin ng Doctor kaya sinunod ko kahit sobrang sakit. Parang hiniwa yung ano ko sa sakit. Grabe! "Sige pa Summer." Nanghihina na ako at parang nag-didilim na ang paningin ko. "Summer, kahit anong mangyari wag kang matutulog. Ilabas mo sila." Sabi ni Eiffel kaya tumango ako at pinapakinggan ang instructions ng Doctor. Nakahinga ako nang maluwag nang marinig ko ang iyak ng anak ko.  "Si Eulesis ang nauna, Summer." Nakangiti ang isang nurse habang nililinisan nila si Eulesis. "Isa na lang Summer." Sabi ni Eiffel na nakahawak parin sa kamay ko.  "Push, Summer. I can see her head now. Don't stop!" Isang matinis na iyak ang nanggaling kay Dale. Parang nawalan ako ng lakas matapos ko silang ilabas kaya napapikit ang mata ko at ang huling nakita ko ay nilagay nila ang kamay ng kambal sa pisngi ko. "Aww, they're so adorable!" "Syempre, mana sa tita. Hihihi." "Ano ba 'yan! Kamukha ni Sander. Hahaha." "Napaka-gwapong bata naman nito. Sarap kurutin." "You are so pretty, baby girl." Naalimpungatan ako sa ingay kaya nagising ako na masakit ang ulo at katawan. Parang dinaganan ako ng ten wheeler truck dahil sobrang hina ko. Nang napansin nilang nagising ako ay lumapit si Ricky sa akin at inalalayan ako para maka-upo. Tumabi rin si Eiffel sa akin hawak-hawak niya si Eulesis. Si Dale naman ay karga ni Kyla. "Gising na pala si Super Mommy." Sabi ni Eiffel at binigay si Eulesis sa akin. Habang karga-karga ko si Eulesis tinignan kong mabuti ang mukha niya at napa-iyak na naman ako.  "Ano ba 'yan? Stop crying baka matuluan mo pa ng luha si Eulesis." Reklamo ni Eiffel at pinunasan ang luha sa mukha ko.  "I'm just happy, okay?" Hinalikan ko sa ulo si Eulesis at napangiti nang mag-pout ito. I know he's too little para ikumpara siya sa kanyang ama pero masasabi mo talaga na kay Sander anak to.  "Alam mo na kung kanino nagmana ang isang yan. Naku! Mahal na mahal mo siguro ang manlolokong 'yon kaya kamukha bg mga bata si Sander. Labi lang siguro ang nakuha sayo ni Dale." Sabi ni Eiffel. " Ang oa niyo ha tsaka magbabago pa ang mukha ng mga bata. Akin na ang baby girl ko." Totoo naman eh at baka paglaki nila ako na ang kamukha nila, ako kaya kasama nila araw-araw. Lakas talaga ng dugo mong manloloko ka! "Depende pero mukhang malakas ang dugo ni Saavedra." Sabi naman ni Ken. Kinuha ni Eiffel si Eulesis at umupo ito sa tabi ni Jake na nakatunganga lang at agad namang binigay ni Kyla si Dale sa akin. Nakapikit ang mata niya nang kinarga ko siya. Magkapareha nga kami talaga ng labi. Salamat naman at kahit labi ay may na i-contribute ako sa kanya. Habang nagkukwentuhan kami may kumatok sa pintuan at pumasok ang dalawang nurse. "Feeding time na po." Nakangiting sabi ng maputing nurse kaya agad kong pinalabas sina Ken, Ricky at Jake. Nahihiya pa ako ng isubo ni Eulesis ang ano ko, alam niyo na. Hahaha. Natatawa talaga ako sa pinanggagawa ko ngayon. Sa una medyo masakit pero kinalaunan nawawala rin naman ang sakit. Sunod naman si Dale at mukhang gutom na gutom ito. Habang dumidede nakahawak ang maliliit niyang kamay sa hinlalaki ko. Ang cute niyang tignan. My little angel.  Thank you Lord for blessing me with these beautiful angels.  Nang mabusog na sila nakatulog agad si Dale habang si Eulesis naman iyak lang ng iyak kaya naiiyak na ako sa kung ano ang gagawin ko. "Baby huwag naman pahirapan si mommy. Shh, tulog na ikaw. " Hinihele ko siya ngayon habang sina Eiffel at Jake naman umalis at bumili ng pagkain. Sina Ken at Kyla umalis narin para sa trabaho kaya kami na lang ni Ricky ang natira. "Napaka-iyakin naman ni Eulesis." Pagrereklamo ni Ricky na nakahiga sa kama ko katabi si Dale. Tinignan ko lang siya ng masama kaya nanahimik. Todo pa rin ang iyak ni Eulesis at wala akong mahingan ng tulong dahil hindi pa bumabalik ang mga nurse. "What do you want, baby? Are you still hungry?" Mahina pa ang katawan ko pero pinipilit kong tumayo para mapatulog ko siya. Dapat si Dale ang iyakin kasi babae pero si Eulesis itong makakasira ng eardrums ko. Mabuti na lang at mahimbing ang tulog ni Dale at hindi nagigising kahit anong iyak ni Eulesis. "Ang ingay talaga! Sakit sa tenga." Napa-upo si Ricky at naniningkit ang mga mata habang nakatingin kay Eulesis. "Ano ba ang problema mo? Kung nayayamot ka at naririndi sa iyak ng anak ko umuwi kana. Ako nga na nanay hindi nag rereklamo ikaw pa? Kapal talaga ng mukha mo." Kung hindi ko lang kargta si Eulesis ay baka nasuntok ko na siya.  "Chill, I'm just kidding." Tinaas pa niya ang dalawang kamay habang naka-ngiti. Inirapan ko na lang at pilit na pinapatulog si Eulesis. Pahina ng pahina ang iyak niya at nakapikit na rin ang mata niya.  "Oh, pagkain." Sabi ni Eiffel ng buksan niya ang pintuan habang nakatingin ng masama kay Ricky. "Hoy, billionaire wannabe umuwi kana!" Tumayo siya sa harap ni Ricky at tinapunan ng masamang tingin. "Billionaire wannabe? Lol, don't you know that I can buy your body and soul?" Aroganteng tanong niya na ikinatawa ni Eiffel. "Suminghot ka yata ng rugby eh. Kawawa ka naman, patingin kana sa doctor uy malala na sakit mo sa utak." Natawa ako sa sinabi ni Eiffel at mukhang tuluyan ng na-bad trip si Ricky kaya naman umalis ito nang nakabusangot.  "You know what Summer, Ricky's a jerk since we're kids and I think he's taking this chance to be near to you again and after that, who knows baka pilitin ka nanaman ng lalaking yun na pakasalan mo siya, after all marami na siyang pera na winaldas para sayo." I know pero hindi naman niya siguro ipipilit ang sarili niya sa akin dahil simula pa noon alam niyang wala akong gusto sa kanya at isa pa hindi ko siya pinilit na gastusan ako. He pays willingly for everything kapag magkasam kami.   "We're friends at alam mong hindi niya ako mapipilit if ever na gusto niya akong pakasalan." "Yeah, friends? Natanong mo ba siya? Kahit konti lumayo ka naman kay Ricky. Palagi na kayong magkasama, huwag mo nang paabutin kung saan siya ang tatawaging daddy ng mga anak mo dahil kahit galit ako kay Sander siya parin ang gusto kung tawagin ng mga anak mo ng Daddy. " Natahimik ako sa sinabi ni Eiffel. She's right, I'm always with Ricky to the point na napagkakamalan na siya ang ama ng ipinagbubuntis ko. Hindi na ulit nagsalita si Eiffel hanggang sa bumalik si Jake kasama sina Blue at Cindy.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD