"Hay naku! Tigilan mo na ang pag iyak mo Summer wala kang mapapala diyan." Singhal ni Eiffel habang inaayos ang mesa sa unit ko.
"Narinig ko ang boses niya." Hikbi ko habang hinihimas ang tyan ko.
"Ano ngayon? Bawal ma stress ang buntis, Summer kaya tigilan mo na ang kaiiyak sa walang kwentang Sander na yan! Pwede ba? Umayos ka para sa bata." Inis niyang sabi dahil mula ng umuwi ako, iyak lang ako ng iyak.
"Sorry na, di ko lang naman maiwasan." Sabay punas sa luha.
"Alam kong hindi madali ang kalimutan ang taong minahal mo pero iwasan mo naman sanang dibdibin yun. Divert mo na lang sa baby ang attention mo."
"Paano? Eh everytime na papasok ako sa opisina ni Madam makikita ko ang masayang mukha ni Sander."
"Tapon mo yung litrato tapos na agad ang problema mo." Sabi niya na parang ang dali lang gawin.
"Akala mo naman ang dali ng pinapagawa mo." Irap ko sa kanya.
"Magbihis kana nga at ihahatid na kita sa trabaho mo." Pilit niya akong tinutulak hanggang sa makarating ako ng kuwarto.
"Summer, ito pala ang kaibigan kong si Blue sa finance rin siya." Magkasama kami ngayon ni Cindy at ang kaibigan niyang si Blue sa cafeteria. Nakita niya kasi ako at inayang kumain ng lunch kasama sila.
"Hi, I'm Blue Santos." Nilahad ni Blue ang kamay niya kaya nakipagkamayan na rin ako sa kanya.
"I'm Summer Andana." Nakangiti kong pagpapakilala sa kanya.
"Andana? Diba mayayaman yun?" Bulong niya kay Cindy kaya lihim akong napangiti.
"Ano kaba? naririnig ka ni Summer." At siniko niya si Blue kaya napa upo ito ng maayos.
"Sorry, kasi kilala mo si Thunder Andana? Naku! Crush na crush ko yun kaso nasa Madrid na siya at nagtatrabaho sa kanilang company." Ngiti niyang kuwento. Si Kuya Thunder pala ang crush nitong si Blue? Naku kung alam lang nila ang ugali ni Kuya...
"Hindi ko kilala eh, sorry." Kailangan kung itago ang totoong pagkatao ko dahil gusto kong maging tunay ang mga tao sa akin hindi yung dumidikit lang dahil sa pangalan ko.
"Ganun? Baka kamag-anak mo yun. Maganda ka kasi at mukhang mayaman." Ngiting sabi ni Blue at nailang naman ako sa titig niya.
"Don't mind him, Summer. Pangarap kasi ni Blue ang maging mayaman." Sabi ni Cindy habang kumakain.
"Sino ba naman ang ayaw maging mayaman no?" Maarteng sabi ni Blue.
"Oo nga naman no. Kapag naging mayaman ako meron na akong chance kay baby!" Sabi ni Cindy sabay hampas sa braso ni Blue na parang kinikilig.
"Di maka move on, Cindy? Hanggang ngayon ba crush mo parin ang apo ni Madam?" Napa angat agad ako ng tingin sa kanilang dalawa.
"Ang popogi kaya ng mga apo ni Madam pero si Sander ang pinakapogi. " At napahagikhik pa si Cindy habang sinasabi niya yun ako naman ay napa-ubo.
"Tubig, Summer." Si Blue na ang nagbukas ng tubig at agad akong uminom.
Parang gusto kung sabunutan si Cindy kaso wala naman siyang alam tungkol sa amin kaya tahimik lang akong nakikinig sa kanila. Hindi na ako nag comment at baka kung saan pa mapunta ang aming usapan.
Napagkwentuhan rin namin ang kalagayan ko at syempre hindi ko sinabi sa kanila lalo na kay Cindy na si Sander ang ama ng anak ko. Tanong kasi sila ng tanong kung buntis ako dahil nakita nila ang umbok sa tyan ko at kung sino ang ama.
"Naku! Ang mga lalaki nga naman matapos magpaputok aalis agad!" Inis na usal ni Cindy. Hay, kung alam mo lang na ang lalaking gusto mo ang nakabuntis sa akin tignan natin kung masasabi mo pa yan.
"Oo nga tsaka maraming lalaki na ang manloloko." Dagdag pa ni Blue habang nakatitig sa cellphone niya.
"Sayang at walang i********: ang crush ko. Nga pala Summer, may f*******: ka ba?" Din-activate ko yung sss, Twitter at IG ko matapos akong iwan ni Sander. Baka kasi sakaling mag bago ang ihip ng hangin at kontakin ako.
"Wala eh." Tamad kong sagot habang inaayos ang bag.
"Uy, uy! Cindy, Si Sander nag post sa IG may kasamang babae."
Para namang tumigil ang mundo ko sa narinig ko.
"Patingin!" Mabilis niyang hinablot ang iPhone ni Blue at binasa ang caption.
"Inseparable, hashtag She's the one." Mapait na binasa ni Cindy ang caption habang nakakunot ang noo.
Halos mapunit ang puso ko sa nabasang caption ni Cindy. Nagbabadya na rin ang luha sa mata ko kaya tumingala ako para maiwasan ang pagtulo nito.
"Tignan mo, Summer. Sht! Ang ganda ng girlfriend ni Sander, huhuhu. Dapat ako yan eh. " Agad niyang pinakita sa akin ang nakangising si Sander. Naka-akbay ito sa isang blonde na babae at malapit ang itsura nila sa isa't isa.
Naka-igting ang panga ko habang nakatingin sa picture. Meron pang mga heart emoticon sa caption. Gusto kong basagain ang iPhone ni Blue sa galit at inis.
"Ba-bagay naman sila." Hirap kong usal at biglang tumayo. Hindi ko na kaya. Gusto kong umiyak pero hindi ko magawa dahil nasa harap ko sina Blue at Cindy.
"Oh? Alis kana?" Tanong ni Blue at ibinulsa ang iPhone.
"Uhm.. oo, baka nandun na si Madam sa office niya." Sabi ko at nagmadaling lumabas sa cafeteria.
Nang makalabas ako sa lift dumiretso agad ako sa CR at nag unahang tumulo ang mga luha ko. Ang hirap namang kalimutan ka Sander. Ang hirap i-proseso sa utak ang mga nangyayari nagyon. Ang sakit lang na ipinagpalit niya agad ako at kahit anong galit ko, nangungulila parin ako sa'yo pero kailangang ibaon kana sa limot!
Walang hiya ka Sander! Humanda ka dahil kahit anino ng anak mo hinding hindi mo makikita! I really hate you, Sander Eulesis Saavedra.