Ikaw Na Nga Chapter 1

1083 Words
"Bakit ba lahat ng mga lalaki magkakapareho?" magkasabay na nagkatinginan sina Ivy at Gelo sa isa't isa nang marinig nila na magsalita ang natutulog na kaibigan nila na si Bea. Katatapos lang nilang mag-inuman sa balcony ng bahay ng kaibigan nilang si Bea. Halos labing isang buwan nang hiwalay ang mag-fiance na sina Bea at Greg ngunit heto pa rin si Bea at nagluluksa pa rin siya sa namatay na love story nila ni Greg. Samantalang si Greg naman ay masaya na kay Martina—ang ka-department nitong babae na naging sanhi ng hiwalayan nila. Halos ilang linggo na lang nga ang lilipas ay isang taon na silang hindi nagkakasalubong sa opisina. “Buwiset na ‘yon. Hindi man lang ako sinuyo…” kanina’y sisinghot-singhot pang sabi ni Bea kina Ivy at Gelo nang hindi pa ito nakatutulog. “Ang sabi niya, mahal niya ako. Pagkatapos, hindi man lang ako nadalaw simula nang maghiwalay kami.” sambit pa nito. Bigla na lamang itong tumayo sa kinauupuan nito at nahiga sa kutson. At ngayon nga ay nahihimbing ito pero nagsasalita habang natutulog. "Hey, hindi lahat ah." buong tanggi ni Gelo sa sinabi ni Bea na magkakapareho lang ang mga lalaki. Si Gelo ay isa sa mga ka-departamento nila ni Ivy at kaibigan nila. Silang tatlo ang madalas na magkakasama sa opisina. At noon ngang magkahiwalay na sina Greg at Bea ay kasalukuyang nasa bakasyon ang mga ito sa kani-kanilang pamilya. "Loyal kaya 'to. Hindi ba, Vy?" napatanga naman si Ivy kay Gelo sa sinabi nito. Late nag-sink-in na pinaikli lang nito ang pangalan niya. Akala niya ay tinawag siya nitong bhie. "O-oo naman. Hindi naman lahat ng lalaki ay manloloko. Huwag mo kasing lahatin friendship." sang-ayon ni Ivy kay Gelo. Kahit tulog naman ang kausap nila ay sinagot pa rin nila ito. Parang nakababatang kapatid na ang turing ni Ivy kay Gelo although kaunti lang naman ang deperensya ng edad nila sa isa't isa. “Si Bea kasi nilalahat.” reklamo pa ni Gelo habang napapanguso. "Tungeks, tulog na 'yan. Pinatulan mo naman." naiiling na natatawang sabi ni Ivy. Natawa na rin lang si Gelo. Lasing na siguro siya at pati ang tulog na nagsasalita ay pinapatulan niya. Pero hindi rin. Dahil siya lang ang madalas na last man standing sa inuman nila. Kung sabagay ay malakas naman talaga siyang uminom. “Kasi naman e.” parang batang sagot pang muli ni Gelo. Naaawa sila kay Bea. Although malaki na ito at matanda na para alalahanin pa ay wala itong pamilya na matatakbuhan tuwing may problema ito. Wala na ang mga magulang ni Bea at tanging siya na lang ang nagtaguyod sa sarili niya. Pati ang nakababatang kapatid niya na si Ben ay naaksidente at siya na lang ang naiwan. Papunta ng Baguio ang mga magulang niya para umattend ng grand reunion nila sa University nila kaya naman ipinagmaneho ito ni Ben. Ngunit sa kasamaang palad ay naaksidente ang mga ito. Magkaklase ang mga magulang niya noon. Sa iisang university nag-aral ang mga ito at iyon din ang pinasukan nilang university ni Ben noon pero sa Maynila na sila tumira nang makapagtapos silang magkapatid. Nakabili ng bahay ang mga magulang niya at iyon nga ang naiwan kay Bea. “Pero alam mo? Masuwerte rin iyang si Greg dahil wala tayo nang ginawa niya iyon kay Bea. Kung hindi ay tiyak na nakalbo ko iyan sa taas at baba.” halatang gigil ang mukha ni Ivy sa sinambit niyang iyon. “Aray naman. Ang sakit ha. na-imagine ko.” sambit ni Gelo na napapangiwi pa. Pakiramdam niya ay nabunot ang buhok niya sa ibaba. Sa hita niya. Balbon kasi ang paa niya at kumukulot pa ang mga buhok niya roon. “Sus, pasalamat talaga iyang Greg na iyan.” sambit pang muli ni Ivy na tila tinatamaan na ng nainom niya. Si Ivy naman ay ang best friend ni Bea. Nakilala niya ito sa Maynila noong naghahanap pa lamang siya ng trabaho. Sa isang coffee shop sila nagkakilala at pakiramdam nila ay hulog ng langit ang isa't isa. Parehong brokenhearted ang dalawa noon at pareho pa sila ng taste pagdating sa kape. Silang dalawa rin ang nag-comfort sa isa’t isa. "Isang mocha frappe with chocolate sprinkles. And with extra whip cream." halos sabay na sambit nila sa counter. Nagkatinginan ang dalawang cashier sa unahan na nag-take ng orders nila. "Ma'am twins po kayo?" tanong ng cashier na nangingiti. Lalo pa itong natawa nang sabay pa rin na sumagot sina Ivy at Bea. "Hindi." nagkatinginan silang muli. “Eh, magkasama ho kayo?” pangungulit pa ng kahera. Umiling na lamang si Bea bago pa siya makulitan dito at mainis. Nagkangitian din silang muli ni Ivy nang mapalingon sila sa isa’t isa. At dahil doon ay sa iisang table sila naupo. Nagkakuwentuhan din sila at nagkapalagayan ng loob. "So, you love extra whip cream?" tanong ni Bea rito na agad namang ikinatango nito. "Uh-huh. And you too. With chocolate sprinkles on top, right?" pagkukumpirma ni Ivy. "Yup." agad na sagot din ni Bea. At doon ay nagkasundo sila. Nang malaman ni Ivy na naghahanap siya ng trabaho ay ini-refer niya si Bea sa trabaho niya sa LB Company. At si Gelo naman ay kapapasok lang din a week after magsimula sa trabaho si Bea sa company nila. “I hate you, Greg…” rinig nilang usal ni Bea. "Nagsasalita na naman siya habang natutulog." sambit ni Ivy saka nagkatawanan ang dalawa dahil sa kaibigan nilang nagsasalita kapag tulog. "May bago pa ba kay Beatrice Almanza?" agad na nilagok ni Gelo ang huling patak ng beer sa latang hawak niya. “Oo nga. Hindi na si Bea ‘yan kapag hindi siya nagsalita habang natutulog.” segunda naman ni Ivy. "Sige na. Tabihan mo na si Bea. Ako na ang bahala rito." katulad nang nakasanayan ay si Gelo ang nagliligpit nang pinag-inuman nila dahil ito lang ang mataas ang tolerance sa alcohol. At silang mga babae ay tulog lang ang magagawa. "Salamat, Kuys!" nakangising sabi ni Ivy saka nagtungo sa kutson na inilatag ni Bea kanina. Alam na alam na niya na tutulugan niya lang ang dalawang ito sa ikatlong lata ng beer niya. Mas gusto naman ng mga ito na iinom at itulog ni Bea ang problema nito kaysa humagulgol ito nang humagulgol. Pagkatapos ay mamamaga ang mga mata nito at mamamaos kaiiyak. Hindi nga nila maintindihan kung bakit naman kasi sobrang magtiwala ni Bea sa mga lalaki. Lalo sa na naging mga boyfriend nito.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD