Agad na pinuntahan ni Glenn ang address na ibinigay sa kaniya ng mga magulang ni Lynette sa kaniya. Mabuti na lang at pwede siyang palitan sa mga duty sa ospital ng mga kaibigan niya.
Nang marating ni Glenn ang address ay kinakabahan na kinatok niya ang apartment na iyon.
Pagkatapos ng tatlong katok ay naghintay ng sandali si Glenn. Kakatok sana itong muli pero bumukas na ang pinto.
Nanlaki ang mga mata ni Lynette nang makita ang binata.
"G-glenn? W-what are you doing here? Paano mo nalaman na nandito ako?" Sunod-sunod na tanong ni Lynette.
Ngumiti naman si Glenn sa dalaga sabay sabing, "Hindi mo ba muna ako papatuluyin? Ang layo ng ibiniyahe ko."
"T-tuloy ka," nauutal pa rin na sabi ni Lynette. Saka nito nilakihan ang bukas ng pinto para makapasok ang binata.
Nang makapasok ay inilibot ni Glenn ang paningin sa loob ng apartment.
"Maupo ka muna. Ahm... Gusto mo ba ng juice o kahit ano?" tanong ni Lynette sa binata.
"'Wag ka ng mag-abala. I'm okay. Hindi naman ako nauuhaw." Naupo si Glenn sa sofa saka tumingin sa dalaga na halatang hindi mapakali. "Are you okay? May problema ba?" Nag-aalalang tanong nito sa dalaga.
"Ahm... Sandali lang, ha. Maiwan muna kita." Pagkasabi no'n ay nagmamadali itong pumasok sa kwarto.
Nasundan na lang ito ng tingin ni Glenn. Saka muling inilibot ang tingin. Napadako ang tingin nito sa isang picture frame. Kung saan may kasama si Lynette. Tumayo si Glenn para tignan sana ang larawan. Pero biglang bumukas ang pinto ng kwarto at nagmamadaling lumapit sa kaniya si Lynette.
"Glenn! Ahm... Paano mo nalaman ang lugar na ito?" Pasimpleng itinaob ni Lynette ang picture frame.
Napabalik naman si Glenn sa kinauupuan kanina.
"Your parents told me," tugon ni Glenn sa dalaga. "Bakit ka umalis?" Tanong nito pagkaraan.
"Kasi ayokong magpa-heart transplant. At alam ko na pipilitin mo ko. Kaya umalis ako." Nag-iwas ito ng tingin sa binata.
"Ayon lang ang dahilan?"
"Yes, Glenn. Kaya makakaalis ka na. Kasi hindi ako sasama sa 'yo. Hindi mo mababago ang desisyon ko," pagtataboy nito sa binata.
Pero hindi basta-basta susuko si Glenn.
"Hindi ako aalis hanggat hindi ka sumasama sa akin at hindi kita nakukumbinsi sa operasyon, Lynette." Tumayo ito at lumapit sa dalaga. "I will do everything to save you. Hindi kita susukuan."
"Why are you doing this? Kasi naaawa ka sa'kin?" Lynette asked.
"No, Lynette. Hindi ako naaawa sa 'yo. Ayan ba ang iniisip mo? Kaya ka umalis?" tanong ni Glenn.
"Umalis ka na lang please. Ayokong magpa-heart transplant. Kaya hayaan mo na lang ako rito. Bumalik ka na sa Manila. Your patients is waiting for you. Bakit mo sila iniwan? Umalis ka na." Pagtataboy ni Lynette sa binata.
"Hah--" Napasinghap si Lynette ng bigla siyang yakapin ni Glenn. "A-ano'ng ginagawa mo?"
"Bago ka umalis, I thought nagkakaintindihan na tayo. Akala ko gets mo na kung ano ang nararamdaman ko. Pero mukhang hindi pa pala. Now, I want to tell you what I'm feeling towards you." Glenn stopped at inilayo nito ng bahagya sa kaniya ang dalaga para matitigan ito.
"Ano ba'ng pinagsasabi mo?"
"I like you, Lynette. When you left, I was about to confess my love for you. Kaya hinanap kita. Mabuti na lang na-convince ko ang parents mo na ituro nila sa akin kung nasaan ka." Ginagap ni Glenn ang mga kamay ni Lynette while saying that, he is looking straight into her eyes.
"Sinasabi mo lang 'yan para pumayag ako sa transplant." Naka-pout na wika ni Lynette.
"No. Gusto ko na magpa-transplant ka para makasama pa kita ng matagal. Sabi mo gusto mo ako 'di ba? Can you do that for me? Ito na nga't magpapakalalaki na ko for you." Hindi pa rin nito binibitawan ang kamay ng dalaga.
"So, may kapalit?" Nakataas ang kilay na tanong ni Lynette.
"Yes. Ang kapalit ay mabuhay ka ng matagal. Para makasama kita ng matagal. Fair lang naman 'yon 'di ba? And I promise to take care of you. Kung natatakot ka, I assure you I will make sure na magiging successful ang operasyon mo. I will be the one to perform the surgery." Pangako ni Glenn kay Lynette.
Napapaisip naman na napatitig si Lynette kay Glenn.
"Hinanap mo talaga ako, dahil mahal mo ako?"
"Yes, I love you," tugon ni Glenn sa dalaga.
"Naaawa ka lang sa'kin kaya mo ito ginagawa," giit pa rin ni Lynette.
"No, Lynette. Please believe me. We are running out of time. Kailangan mo ng magpa-transplant as soon as possible. Kaya sumama ka na sa'kin pabalik ng Manila. Kung hindi, hindi ako aalis dito." Nanlaki ang mga mata ni Lynette sa narinig.
"What?! H-hindi ka pwedeng mag-stay dito!" Natatarantang sabi ni Lynette.
Na ikinasalubong naman ng kilay ni Glenn.
"Bakit? Are you hiding something from me?" Kunot ang noo na tanong nito sa dalaga.
"W-wala akong itinatago sa 'yo!" Umiiling na kaila ni Lynette. Pero sobrang lakas na ng t***k ng puso nito sa kaba.
"You are hiding something. I can feel your pulse right now. Hey! You have to calm down. Makakasama 'yan sa puso mo,"
"Ikaw kasi, eh!" Paninisi ni Lynette sa binata. "Hindi ka pwedeng mag-stay dito. Kasi may mga ka-share ako rito sa apartment."
"Lalaki?" Nakataas ang kilay na tanong ni Glenn sa dalaga.
"Babae. Kaya hindi ka pwede rito. Kasi maiilang sila. Sasama na ko sa 'yo pabalik sa Manila. Pero magkita na lang tayo, okay?"
"Hihintayin na kita. Hindi ako nagpa-book sa hotel. Kaya hihintayin na lang kita sa kotse sa labas,"
"What?! Ngayon na agad tayo aalis?"
"Yes. Kaya mag-empake ka na. Sa kotse na ko maghihintay, okay?" After saying that ay mabilis na hinalikan ni Glenn sa labi ang dalaga. "That's for making me worry." Saka mabilis na lumabas ng apartment ang namumulang si Glenn.
Napahawak naman sa labi niya ang natulalang si Lynette. "He kissed me?"
Nang mahimasmasan ay may tinawagan sa telepono si Lynette. Saka ito mabilis na nag-empake ng mga gamit para sumama kay Glenn pabalik ng Maynila.