Payne's POV Exact 4 pm ng matapos kami mag shopping. Pauwi na kami ng madaanan ko ang seaside. Bumaba ako at pinauna na sila Mom. Pumayag naman sila kaya naglakad-lakad ako rito sa seaside. Hinanap ko 'yung dating pwesto ko. Kung saan ako madalas umupo habang pinapanood ang paglubog ng araw. Ilang buwna ba 'ko hindi nakapunta rito? Mula ng mawala ang ala-ala ko? Seven or eight months din pala. Masaya kong pinanood ang paglubog ng araw. I love the sunset. Sa t'wing papanoorin ko siya ang saya-saya ko. Muling nagbalik ang lahat ng ala-ala ko rito. Naalala ko pa, dito kami lagi nag d-date ni Fave. Dito siya nangako sakin. Napangiti ako ng mapait. Honestly? Siya parin. Kahit nawala ang ala-ala ko, hindi siya nawala sa puso ko. 'Yung mga panahong wala akong maalala, sa bawat araw na

