Selena's POV
"Dark pwede ba wala ako sa mood makipag away sayo okay?" Sabay talikod ko sakanya at naglakad.
"Im not done to talk to you Selena!" sabi nya saken at hinawakan ang braso ko.
"Then lets End this relationship." walang emosyon kong sagot sakanya at naglakad muli.
"Selena! Ganon ganon nalang talaga? 5 years na tayo tatapusin mo lang dahil sa walang kwentang problemang yan?!" Sigaw ni Dark saken.
Umiinit yung ulo ko dito.Ano bang problema nya? Napaka seloso nya! Nakakasakal na!
"Eh wala palang kwenta pero hinahalungkat mo pa?Kung di mo ko titigilan mas mabuti pang mag hiwalay na tayo" sabi ko sakanya.
"Tinatanong kita kung sino yung lalaking yun! Fxck! Selena!" Kita ko sa mukha nya ang pagtitimpi. Anytime pwede na sya pumatay.
"Ilang beses ko nang sinagot yan diba? He's my partner, So if you dont believe to me that's not my fault" sabi ko at umalis na. Mabilis akong sumakay ng taxi. Nakita kong hinahabol nya ko gamit ang kotse nya.
Ayaw nya maniwala na partner ko si Keehan sa PE. Tapos makikipag break ako ayaw pumayag? Tss.
Nakarating ako sa bahay at mabilis na umakyat ng kwarto. Maya't maya ring ng phone ko pero I ignore it. Bahala siya.
Tumingin ako sa salamin. Shet! Nahahagard na ang beauty ko I need to take a rest na. Bukas na bukas magpapasalon ako para fresh ulit hihihi.
Nikki's POV
Punyeta ka Selena! Nasan kana bang bruha ka? Argh! Kanina pa ko pinapapak ng lamok dito! Humanda ka talaga saken!
"Oy sis! Naghihirap na ba at naglalakad ka?"
Sabay tawa ni gaga saken. At bumaba ng taxi.
"Kung wala kang pang Taxi dapat sinabi mo saken Gabi na delikado dito"
"Pwede ba Payne tigilan mo ko baka pag buhulin ko kayo ng pinsan mo" sabi ko
"Hoy kung may galit ka kay Selena wag mo ko idinadamay Be thankful at sinamahan kita sa paglalakad kahit may pera ako duh!"
"Bakit sinabi ko bang samahan mo ko?" Mataray kong tanong
"Bakit may sinabi akong sinabi mo?"
Tumigil nalang ako, Bwesit talaga! Di yan magpapatalo kaya mas mabuti nang ikaw ang maging humble.
"Ako na mg babayad sumakay kana" sabi nya at sunakay sa taxi na ipinara nya. Sumakay na din ako. Actually may pera pa ko. Di ko lang namamalayan na naglalakad ako sa madilim na lugar na yun.
"Basta talaga libre ang bilis mo" sabi nya at umisnob.
Humanda ka talaga sakin Selena! Bruha ka!
Nakarating agad kami sa apartment. At padabog kong binuksan ang pinto.Dumiretso agad ako sa kwarto ni bruha.Nakita ko syang nakahiga habang nagp-phone.
"Hala! Myghad! Si Nikki pala--" Napatigil sya ng mabangga nya ko.
"S-sabi ko nga hehehe " sabi nya sabay ngumiti.
Tinitigan ko lang sya ng masama. Nakahiga lang sya dito?! Habang ako naghihintay ng napakatagal dun sa malamok na lugar na yun! What the heck?!
"Dahan dahanin nyo lang matutulog na ko good night" sabi ni Payne at nilagpasan lang ang kwarto ni Selena.
"Sis sorry na, Si Dark kasi eh! Inaway na naman ako nabadtrip ako tapos lowbat pa ko kaya nakalimutan kita" sabi nya pa
Nakatingin lang ako sakanya. Mukha namang di sya galing sa away nagawa nya pa ngang humalakhak habang nag p-phone.
"Okay. Babawi ako sayo bukas promise libre na kita sa watson" sabi nya saken.
Tss pasalamat ka at magkavibes tayo pag dating sa fashion.
"Siguraduhin mo lang!" sabi ko at lumabas na ng kwarto nya. Dumiretso na ko sa room ko. Napapagod na din ako. Gusto ko na matulog. Hasyt.
Payne's POV
Hayst, Umaga palang pagod na ko paano pa kaya pag nag umpisa na tong contest? Napatingin ako sa relo ko.
7:08 palang malamang sa malamang nag p-practice na ang mga varsity players.
9 kasi ang laban nila. Kaya eto ako naiwan ditosa Venue ng contest para mamaya sa Mr. And Ms. Harvard.
Si Nikki? Ayun Leader ng cheerdance. Si Duchess naman Volleyball Player, Si Edelyn ayun nasa Spoken Poetry Contest. At eto ang malupit si Selena! Ewan ko ba sa babaeng yun anung nakain at di man lang sumali sa mga contest. First time nya yan. Kadalasan lagi syang Champion sa mga contest.Kaya nakapagtataka ngayon wala syang sinalihan ni isa! Anu kayang nakain or sumapi sa babaeng yun?
"Hoy babae!" napalingon ako sa tumawag saken. Nakita kong papalapit sya saken. Hinayaan ko nalang. Malay ko ba kung ako yun. Andaming babae dito eh.
"Psst!" pagtawag ulit saken nasa harapko sya ngayon habang kasama yung mga alipores nyang clown.
"Hoy babae! Bingi ka ba? tinatawag kita!"
Pag sigawnya saken. Tumayo ako at nag cross arm sa kanya.
"Ako ba ang tinawag mo? Sorry ah? May pangalan ako " sabi ko habang ngumiti sakanya.
"Aba't sumasagot ka na--"
Bago dunapo ang kamay nya saken mabilis ko syang sinampal.
"Look what you've done!! " sigaw nya nang matapon ang frappe na hawak nya sa dress nya.
"Ooppss. Sorry " sarcasm kong sagot.
"How dare you!! " akmang sasampalin nya ko.
"H'wag mo napagtangkaang sampalin ako. Kasi isang dapo pa ng kamay mo saken. Mababasag yang mukha mo" sabi ko
"Argh!! Talagang ikaw paang matapang noh? Matapos mo ko sampalin?! " naggagalaiti nyang sagot sakin.
"Busy ako Natalya, Wala ako sa mood pwede ba?Makakaalis kana" sabi ko at akmang uupo.
"Oh wait, By the way I just want to give my requirements" sabi nya at plastic na ngumiti. Tinaasan ko lang sya ng kilay.
"It's too late Natalya, The master list is already full." sabi ko sakanya.
"Then Magtanggal ka ng isa for me."
"First come,First serve, Di ka reyna dito na kailangan kong asikasuhin pa. Pero Kung gusto mo talaga sumali, Bumalik ka nalang Next School Year" sabi ko.
"At talagang kinakalaban mo kong babae ka?! Magtatanggal ka ng ISA jan sa Master list at Pasasalihin mo ko! " Mataray nyang sabi sabay hagis sa harap ko ng Brown Envelope.
"Pwede ba Natalya, Lumayas kana dito kung wala ka nang matinong gagawin. Sinasayang mo yung oras ko" walang emosyon kong sagot.
"At talagang ayaw mo talaga gawin noh?" sabi nya ulit.
"Pag sinabi ko sinabi ko, Di ko na uulitin pa, Lumayas ka dito bago ka samain saken" sabi ko at inayos ang folder.
Maya-maya umalis na din sila. Hayst salamat naman!
"Watson!"
Yung boses na yun! Punyeta ba't sya andito?! Diba nasa practice sya?
"Oh pres?" takang tanong ko.
"Ilagay mo sa master list si Natalya." sabi nya sabay talikod at naglakad.
Nakita ko naman na kasunod nya si Natalya. At si bruha nakangiti!
"Sorry Pres. But the masterlist is already full" sabi ko.
"Then fix it. " sabi nya at umalis na.
Puta! Pigilan nyo ko mapapatay ko to si bruha! Payne relax okay? Relax.
Siningit ko nalang si Natalya sa number 31. magkukulang naman ang boys! Argh kahit kelan panira tong si pres eh! Saan naman ako maghahanap ng Boy contestant sa ganitong oras? Argh! Badtrip naman! Imbes na tapos na ko eh!
Makapag ikot na nga.Baka sakaling may gusto pa sumali.
"Go H.U! H-A-R-V-A-R-D! HARVARD!"
Nakataas kilay akong nakatingin sa leader ng cheerdance sa may field. Nagp-practice sila for our school.
Nakita kong tumingin saken si Nikki na nag sesenyas sa iba. Nginisihan ko sya. Chaka naman ng cheer sino bang nag isip nyan?
Tiningnan nya ko ng MAGANDA-AKO LOOK sabay snob nya saken.
Napadaan ako sa bandang kanan, At nakita ko naman si Duchess na busy sa pag spike ng bola. BORING! Naglakad pa ko baka may makita akong lalaking walang ginagawa.Napadaan naman ako sa court, At nakita ko agad si Natalya na todo cheer kay Fave. Nanggigil talaga ako! Argh! Magsama sila!
Hayst! Wala naman ditong matinong lalaki eh! Paano na to?
"Hoy gaga! Umayos ka nga mukha kang timang jan sa puno" napalingon ako sa nagsalita.
"Anung meron?" tanong nya sabay tingin sa hawak kong folder. Eto naman ako si kwento.
"Di kanaman nag seselos nyan?" Sabay tingin nyang nakakaloko.
"Duh! Magsama sila! Never akomag seselos!" Sigaw ko
" Okay sabi mo eh,Pero ayusin mo na muna yung folder punit na oh?" sabi nya sabay turo sa hawak ko.
OMG!!! Yung master list!! Nooooo!!!
"Kasi ikaw eh! Napunit tuloy!" sigaw ko kay Selena.
"Hoy gaga ka! Wag mo nga kong masisisi sa katangahan mo! Ikaw may hawak ako sisisihin mo?" sabi nya saken habang nakataas ang kilay.