Marianne's POV "Thano you lolo!" masayang sabi ko at niyakap si lolo. "Basta ikaw apo. " sabi niya at ngumiti. Ngumiti ako ng napakatamis. Bwesit kayo! Akala niyo 'di ako makakalabas? Humanda kayo sakin. Lalo kana Selena. Ikaw ang isusunod ko sa punyetang kapatid ko. Nag drive ako at pinuntahan sila Brando sa bagong hideout. "Oh nakalabas ka na?" tanong niya. "Tss. Makakarating ba ko kung hindi pa? Mag-isip ka nga. Anong balita sa magaling kong kapatid?" Mataray na tanong ko. "Actually alam na namin kung asan siya." sabi niya at ibinaba ang huling baraha. "Where is she? Ako na mismo ang papatay sakaniya" sabi ko at kinuha ang baril na nasa lamesa. "Nasa bahay siya nila Bryle Jones. Pinsan ni Fave ang nakapulot sakaniya" paliwanag niya. Napangiti ako. Kung sineswerte ka nga naman.

