Nikki's POV Pag-uwi ko sa mansion bineso agad ako nila tita. Pati na rin si Selena. Nag bless kami kay Papu at Mamu. Nagulat ako ng wala si Payne. Asan na 'yung babaeng 'yun? Baka nasa kwarto.Sabay kaming umakyat. Pagakyat namin may mga body guard sa harap ng kwarto ni Payne. Nagkatinginan kami ni Selena nauna akong maglakad papunta sa kwarto niya. "Maam Andrea sorry pero bawal kayo rito" sabi sakin nang isang guard. "Padaanin niyo nga ko! May jetlag ako baka tamaan kayo sakin" sabi ko. "Sorry po talaga Maam Andrea, Di po pwede. Pinagbabawal po ni Maam Caley" sabi ng isa pa. "Teka bakit ba kayo andito? Anong meron?" tanong ni Selena. Tinulak ko sila at akmang bubuksan ang pinto ng makita ko na nakakandado 'yun. "Ano bang sinasabi niyo? Bakit nakakandado 'tong pinto ni Payne?! Pap

