Someone's POV Nakita namin kung paano itapon ang bangkay nang isang babae. Saktong kadadaan lang namin dito. Huminto kami para tignan kung sino ang mga 'yun pero naka mask lang sila. Umalis na ang sasakyan nila palayo. Bumaba kami nang kasama ang driver at bodyguard ko. "OMG!" napaatras ako nang makita ang duguang babae. Pinulsuhan siya ni Mang Albert. "Maam may pulso pa siya kaso mahina" sabi niya. "Dalhin natin siya sa hospital!" sigaw ko binuhat naman nila ang babae at sinakay sa Car ko. Nakarating kami agad sa hospital at inasikaso nila ang babae. "Kuya mamaya na ko uuwi. Andito ako sa hospital. Mamaya na ko magpapaliwanag" sabi ko at pinatay ang call.'Di ako mapakali. Sana okay lang siya. Maya -maya lumabas ang doctor mula sa E.R. "D-doc? Ako po yung nagdala sa pasyent

