HINDI ko pa rin inaasahan na ang gustong kumausap sa akin ay si Tita Adira. Ang huling pagkikita namin ay noong nag-usap ang pamilya ko at pamilya ni Yago. Hindi kami nag-usap noon kahit pansin ko ang parati niyang pagnanakaw ng tingin sa akin na animo’y may gustong iparating. “Tita Adira, kayo po pala.” Pinilit ko na ngumiti sa kanya. May kung ano akong tensyon na naramdaman kahit na sa screen ko lang naman siya nakikita ngayon. “I hope I didn’t disturb you. May mga gusto lang akong sabihin.” Inilingan ko kaagad ito. “Hindi naman po, Tita. Okay lang po, we can talk.” Tumikhim si Tita Neveah kaya’t napatingin ako sa kanya. “Maiwan ko muna kayong dalawa para makapag-usap kayo.” Isang ngiti pa bago umalis si Tita Neveah ng silid. Kami na lamang ni Tita ang magkaharap. Hindi ko pa rin

